June 27, 2009
(Ang likha kong ito ay para sa pinakagwapo, pinakamabait at pinakamaalalahanin kong anghel na kasalukuyang ipinagdiriwang ang sana'y ika-21 niyang kaarawan ngayon. Kung nasaan ka man ngayon, tandaan mong mahal kita...)
"There's never a wish better than this,
When you only got 100 years to live."
Hindi na mahalaga ang oras para sa akin ngayon. Basta ang alam ko, humihinga ako, nakalalakad at tumitibok ang puso hindi para sa kaninuman -- maliban sa sarili ko. Napapagod na ako.
Bagama't pinipilit kong pagalin ang sarili ko sa pagganap sa mga responsibilidad ko, dumarating ang mga oras na inaakala ko sanang madalian kong paghimlay tungo sa mundo ng panaginip ay nahahalinhan ng ilang minuto nang pagluha.
Hindi kita makalimutan. Oo, alam kong apat na buwan at dalawampu't tatlong araw na ang lumilipas simula nang mawala ka. At marahil, kung nagawan kong malaman ang eksaktong oras kung kailan mo kami iniwan, pati iyon ay isasama ko sa pagbibilang. Apat na buwan at dalawampu't tatlong araw -- ganito katagal na palang nalulunod ang puso ko sa kalungkutan.
Tinutupad ko ang mga ipinangako ko. At isa lang ang tinitiyak ko sa'yo -- hindi ko ito ginagawa dahil sa napipilitan ako. Ginagawa ko ito dahil gusto ko at ginagampanan ko ang aking tungkulin nang may buong pagmamahal, pag-iingat at pagpapahalaga. Marahil, nagsisilbi kang inspirasyon upang mas pagbutihin ko ang aking tungkulin. Ngunit, kung narito ka lang sana sa tabi ko, marahil, magagawa mo akong gabayan at tulungan lalo na sa mga panahong nagkakaroon ako nang pag-aalinlangan at pangamba.
Nanganga pa ako. Alam kong baguhan lamang ako, subalit, nais kong ibigay ang isandaan, hindi, dalawang daan g porsyento ng aking sarili upang hubugin sila. amraming bagay ang nagbago simula nang mawala ka. Ngayon, natagpuan ko ang sarili ko sa pagitan ng mga alalala ng nakaraan at kasalukuyan. Natatakot akong humakbang pasulong pa... Ayokong kalimutan ka.
Minsan, iniisip kong baka nagpapahiwatig na ang Diyos na malapit na tayong magkasama. Minsan, kahit ako ay nahuhuli ko ang sarili kong parang nagpapaalam sa iba. Kanina nga lang, niloko ako ni Mama na patay na raw ako nang sinusubukan kong matulog. Paano kung isang araw, matulog ako at hindi na magising pa?
Ano ba ang naramdaman mo sa biglaan mong pagkawala? Natakot ka ba? Umiyak ka ba? Nasaktan ka ba?
Ayokong makita ang reaksyon mo nang makita mo kaming umiiyak para sa'yo. Kung pwede sana kapag naulit sa akin ang nangyari sa'yo, gugustuhin kong dagliang mabura ang alaala ko. Ayokong ako ang maging dahilan ng luha at sakit na mararamdaman ng mga mahala ko.
Malapit na ba? Sa totoo lang, wala talaga akong ideya. Basta ang alam ko, sa mga oras na inaakala kong huling hininga ko na, magigising akong muli sa isa pang panibagong araw.
Maligayang kaarawan sa'yo. Patawarin mo ako kung hindi kita nagawang dalawin ngayon...
(Raphaelle I. N. J.)
8 comments:
People will remain alive as long as we don't forget to remember them...
WHerever he may be, He's looking after you probabli with a smile on his face kasi brave and responsible ka..
Natouched ako sa post na to, ayun napacomment tuloy ako..My greatest fear is losing someone mas gusto ko nga ako na lang mauna para di ako masaktan.
Godbless and teyk keyr always sis..
"There's never a wish better than this,
When you only got 100 years to live."
*************************************
LOVEEETTT!!
Hahaha! Mahilig ka 'ata sa 100 years ng five for fighting!
magpapakachismoso lang... ano mo yung lumisan?
haaay nakakarelate ako..
actually, nung mabasa ko ito, wala akong ma comment. natouch talaga ako.
nasaan man siya, hanggat ang isang tulad mo ay iniisip siya, magiging immortal ang kanyang alaala.
ang ganda ng header mo, mas natuon ako doon... nakakaingit naman....
galing galing... madadalas ako dito dahil jan... salamat
Post a Comment