Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

**Random Musing last 12/28/2018



I am now in my 2nd official day of being away from my family. After all the excitement  and happenings, I suddenly felt the drop of emotions from climax to bottom.

Surprisingly, I couldn't help missing my family. I have never been away from them for a maximum of 2 days. Since I left the house last Thursday night, I couldn't help but miss my mom's explosive bickerings during weekends, my siblings' presence and my occasional chats with them, my father's OC explanations on how to do things and most importantly, my nephew's cute stories and sweet cuddling when I am in the comfort of home.

I am literally in a comfortable place, surrounded by beautiful sceneries, with a rather cool weather and adventures waiting right outside the door. But, when all the excitement drowned out, there is this strange feeling of loneliness in my heart. It is telling me in soft words, "This is not my home."

I am now 31 years old but, I feel like sobbing like a 5-year old kid. I really, really miss my family. I've known for a fact that the main reason why I do not leave the house is because I am scared of leaving them. I have never seen myself away from them.

But, time and again, the desire to marry my future husband and raise my future child knocks softly in my heart. The fondness I feel whenever I see a little kid in sight grows slowly every single day.

Ironically, I have never really given my relationship status careful thought. I would always tell myself that I want a boyfriend and a future husband but, never really dared to date good guys around me. Whenever someone showed signs of being interested with me beyond friendship, panic would start striking me making me flee away from the guy who wants to get to know me.

I am single until today because I have never decided to be courageous and meet good guys out there. I am single because my definition of a home is one which has my biological family in it. I am single because I couldn't get myself away from the shadow of being my parents' child. I am single because I cannot get myself to become mature enough to face the decisions of a woman.

But, I am now a full-fledged woman whose youth is slowly dwindling away. I want to use my current strength and character to take care of my future boyfriend, lover and husband. But, I am still a child hidden in the body of a woman. I am still a young kid who gets scared of making the wrong decisions for fear of being scolded by her parents.

I have just realized full faced today that I am trapped in a situation that I have chosen on my own. Because, the kid in me never wanted to grow up, she had forsaken herself those experiences that a woman her age should have gone through.

So I have finally decided once and for all to go for that breakthrough. I have just installed the MeetMe App on my cellphone to meet guys around me. Somebody just sent me a message today. I didn't hesitate to give my Hi to him.

It's about time to drive my attention away from Raymond. I am not seeing he has interest in me. I need to open myself to people more so I can see other options before me.

Kanina lang, busy ako sa pagbabasa ng facebook posts. Pampalipas-oras. Pampaantok.

Napukaw ang atensyon ko ng isang post tungkol sa Kathniel relationship goals. 

Humanga ako sa sinabi ni Daniel sa kung paano nila napatagal ni Kathryn ang relasyon sa isa't isa. Paulit-ulit niyang sinabing bumabalik ako sa simula. Sino nga ba ang taong ito? Bakit nga ba siya ang piniling mahalin ko? Sa tuwing napapagod na siya sa pagmamahal sa taong iyon, binabalikan niya ang simula, ang mga dahilan kung bakit nabuo ang relasyon nila ni Kathryn at nananatiling matatag hanggang sa ngayon.

Hindi nito sinasadyang gisingin ang aking diwa at ipatanong sa sarili ko kung bakit ko nga ba pinili ang kasalukuyang trabaho ko. Pinabalik ako nito sa umpisa kung bakit ko ipinaglaban ang kasalukuyan kong posisyon at kung bakit nanatili ako kahit sobrang pinahirapan ako nang nag-uumpisa pa lang sa trabaho.

Mahal ko ang trabaho ko. Mahal ko ang araw-araw na mga suliranin at pagsubok na inihahatid nito sa akin sa tuwing nagbabasa ako ng emails ng mga kliyente ko. Dito ko nakikita ang isa sa mga dahilan kung bakit nabubuhay ako - - ito ay upang maghatid ng saya, tumulong sa abot ng aking makakaya, at iparamdam sa mga taong tinutulungan ko na hindi sila nag-iisa at may daramay kapag nasa dulo na sila ng kawalang pag-asa. I want them to see and feel Jesus through me. Natutuwa ako at patuloy akong natututo, hinuhubog at nakatutuklas ng maraming bagay na labas sa karaniwan kong kaalaman.

Ngayon, suriin naman natin ang mga dahilan kung bakit gusto kong umalis sa kumpanyang ito. Ang hinahabol ko ay ang patuloy na #, at sa kasamaang-palad, nakikita kong maiiwan na ako sa Run/Maintain tasks dahil ang Enhancement Requests ay laging binibigay sa iba. Malinaw kong sinabi sa lead ko noon na gusto kong magkaroon ng mga Enhancement tasks para mas mahasa ang galing ko sa paggawa ng FD at implementation. Pero, ipinaranas lang sa akin ang isang request. Sa kasamaang-palad, hindi na ito ulit nasundan pa at patapos na ang taon.

Ramdam ko na may bias ang leads at management pagdating sa pagtataas at paghusga sa mga tao. Ang lead ko, halos iisang tao lang ang itinutulak niya para matuto ng lead tasks. Hindi lang ako nagsasalita pero napapansin namin kung ano ang ginagawa niya. Ang management, minsan, ipino-promote nila ang mga tao base sa kung sino ang mas gusto nila. End of statement.

Maliit lang ang sahod ko kung ikukumpara sa isang taong inabot na ng ganito katagal sa linya ko. Marami pa akong gustong maabot at makamit para sa pamilya ko. Balak naming bumili ng bahay at lupa pati kotse para sa pamilya namin. Pero, sa sinasahod ko, ang kaya ko pa lang suportahan ay ang pang-araw-araw naming gastusin at pangangailangan.

Sa mga kliyente naman, may isa akong tinutulungan ng matagal na at inaalagaan sa tuwing nag-eemail siya. Ni minsan, hindi sumagot ng survey ang kumag para man lang magpasalamat. Pero nang dumating ang isang request na wala na talaga akong magawa, sumagot siya ng survey para lang sabihing hindi ako nakakatulong at wala pang alam. Nawalan na ako ng ganang tulungan pa ulit siya. Napakawalang-utang na loob at walang kwenta. Sa dami ng beses na natulungan ko siya, mas tiningnan niya 'yung isang beses na wala akong nagawa. Simula noon, hindi na ako nag-abalang tulungan pa siya. Kahit i-escalate pa niya sa CRT ang request niya.

Malayo rin ang pinapasukan ko at 4 na sakay ang pinakamababang bilang ng sakay na ginagawa ko araw-araw, balikan. Suma total, 8 papalit-palit na pagsakay na may kasamang mahahabang lakad at akyat-baba sa LRT. Sinabi ko na rin naman sa career counselor ko ang hinaing na ito. Kaya ang balak ko ay maghanap na ng kumpanyang mas malapit at madaling puntahan kumpara sa ngayon. 

Sa madaling-salita, hindi talaga ang trabaho ko ang inaaayawan ko kundi ang araw-araw na pakikisalamuha sa mga taong hindi ko gaanong mapagkakatiwalaan, hirap sa byahe at maliit na bayad sa araw-araw kong pagpapakahirap at pagpupuyat. Gusto ko pa ring gawin ang parehas na mga bagay na ginagawa ko ngayon. Dahil mahal ko at mahalaga sa akin ang trabaho ko.

But, I am desiring for a change of environment, a change of people I am surrounding myself with at work, a change in my current compensation to better my family's state of life. Sadly, I don't think I will see it in the current company I am in.

Sayang. I really wanted to stay for 12 years until retirement. Pero, the way things are going, I really need to leave my current toxic environment to avoid being sucked into the system. To avoid exhaling the same intoxicated air and passing on the fumes to others.

My friends told me the compensation will be much better once you step out of this company's walls. I will try to learn as much as I can and gain as much as I am able to. Pero sana, makahanap talaga ako ng malapit lang sa amin at may masayang work environment. The kind which had positive and encouraging people to surround you, especially when you are going through the most rough times and people cannot expect you to perform at your peak.

Naranasan ko na sumadsad talaga ang performance ko since April. Yun kasi ang panahon na nagsunod-sunod ang mga problema ko at umabot sa puntong hindi ko na alam kung papaano pupulutin ang sarili ko. Kinailangan ko ng isang taong makakaunawa sana at kakausapin ako ng pinagdaraanan ko ang mahirap na yugtong iyon. Pero ang napala ko ay sunod-sunod na emails na itinuturo ang mga kapalpakan at kakulangan ko.

Tao rin naman ako. Darating ang panahon na manghihina ako at hindi maaasahang makakapagtrabaho ng maayos at higit pa sa inaasahan. Ginising ako nito sa katotohanang hindi ko iyon maaasahan sa lead ko. Kaya ito, nagbibilang na ako ng mga buwan sa pagtapos ng taon.

Hindi na talaga karapat-dapat pang manatili sa kumpanyang ito. Alam kong maririnig naman ng Diyos ang hinihiling ko ngayon.

Hindi ako napagod sa trabaho. Napagod lang ako sa pag-unawa sa mga taong hindi naman ako uunawain kapag ako na ang nangangailangan noon. 

Experimentation - - I have entered this phase of my life where I am no longer afraid to explore my options. Most people go through this stage when they were younger. In my case, however, it happened at the latter stage of my life.


Don't get me wrong. I am starting to explore things but, have not resorted to being wild or uncontrollable at this point. I just felt I can now fully trust myself in making risky, but, worth taking the risk decisions. Redundant, maybe, but it's the only best statement I can think of at the moment.

I have reached the point where I can comfortably move out of my comfort zone, pull my self even further to reach my courage zone and have that flexible leash extend even farther than my old, reserved self will allow me to. I can still feel myself bound by the way - - not by cowardice, but by my self-imposed principles, values and virtues because I am not afraid to choose what is right.

Ever since I have decided to enter the dating scene, I felt all forms of self-doubt and restriction getting loose and falling off the ground. It's really nice to talk to people. I can't wait to meet the next RJ who would ultimately stimulate my mind and allow me to talk about my hidden thoughts on things, relationships and friendship.

Honestly, I really miss RJ. I have been secretly checking when he will be available on Skype and see whether he is in the office. I miss our late night to morning chats. I miss talking freely to someone without fear of judgment or bias because he is also one bored soul who wants to find a diversion.

I guess it helps that we are similar in some ways. I pointed this out to him and emphasized it was our 'common ground,' the kind of connection that lets you go back to the reason why you keep coming back to the same person or group. I guess, it should have been like a shared interest. I wasn't really careful in disclosing parts of myself while speaking with him. I did regret ending things sooner. But, looking into the future made me realize, will it really be worth taking that risk of experiencing greater pain in the latter stage? 

So far, my attempts of finding a decent chatmate in Facebook dating are futile. The current guys I am seeing are mere likers and wouldn't really care shooting a little 'Hi' or 'Hello' to start the conversation. Most guys are really not good talkers. So, this made me miss RJ because he was an expert in this field.

There's something else I miss - - the feel of the pen on your fingers and hand while scribbling words continuously on an empty sheet of paper. I have prevented myself from documenting my thoughts on paper. I even planned transferring all my high school and college journal entries to my blog sites. I am thinking of the future. I won't be staying for long in our home. So, taking things with me while transferring to a different location would be a challenging task. 

But, it feels relaxing to look back at your old anecdotes. It reminds you of your innocent and naive self who never really cared about the world, its worries and close to impossible expectations. It feels so good to be a kid when you have no one to look out for but, yourself alone.

I'll leave my thoughts for now on this empty piece. I am currently deciding whether to transfer all past entries to this blog alone. 

Kahit 'Di Naging Tayo


Oo, alam ko. Walang tayo. Pero, nagpapasalamat ako na may nakilala akong isang katulad mo. 

Isang linggo. Ganyan lang katagal nang nag-usap tayo. Pero isang buong linggo siya na pinuno mo ng kilig, saya, takot, pag-aagam-agam at selos lalo na ng huli kitang makausap.

Hindi ko rin maintindihan. Hindi kita personal na kakilala. Pero nang mga sandaling kausap kita, pakiramdam ko ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo na para bang ilang taon na kitang kilala.

Siguro nga, magaling kang mambola. O siguro nga, sa dami ng naging girlfriend mo, alam mo na kung paano 'magpa-fall,' 'magpakilig' at kumuha ng tiwala.

Aaminin ko. Nakuha mo ako. Kahit sabihin pang walong taon ang pagitan ng edad natin, wala pa kahit sino sa mga naka-chat ko ang nakagaanan ko ng loob ng ganito.

Sayang. Sa totoo lang, nanghihinayang ako. Pero kung tinuloy ko pa ang kalokohang ito, alam ko na kung saan hahantong ang kabanatang ito - - iiyak lang ako. Umiyak ako. Saglit lang. Siguro mga 5 minuto sa loob ng palikuran. Luha iyon ng panghihinayang sa isang magandang alaalang ayoko sanang matapos agad.

Pero, isa talaga akong NINJA. Dahil, sa mismong araw na sinabi mong may kinakausap ka ng iba ay naging alerto agad ang aking isipan. Pinapili kaagad kita. Naramdaman ko kasi ang pag-aalinlangan sa isip mo lalo na ng binanggit mo kung gaano kalayo ang agwat ng edad natin sa isa't isa. Gayunpaman, naramdaman ko ring ayaw mo sanang maputol kung anuman ang nag-umpisa sa ating dalawa.

Aminin na natin. Ang naging ugnayan natin ay isang bihirang bagay na maaaring mangyari sa isang virtual dating app. Sa totoo lang, sinukuan ko na noon ang Tinder at MeetMe dahil wala akong matinong makausap. 

Pero, nang subukan ko ang Facebook dating, napag-alaman kong posible rin palang makahanap ng kagaya mo. Masarap kausap, madaling makagaanan ng loob. Isang taong pwede ko sanang maging kaibigan sa paglaon ng panahon. 

Pero alam nating parehas kung ano ang layunin natin sa paggamit ng dating app. Nagbakasakali tayo parehas na baka dito na natin makita ang taong gugustuhin nating makasama sa ating pagtanda. Hindi ako magsisinungaling. Totoong hinangad ko rin iyon. 

Ang isang buong linggo nating pag-uusap ang nagbunga ng pagkahulog ng loob ko sa iyo. Kinasabikan nga kitang makita noong nakaraang Linggo sana. Pero, naisip ko rin noong Huwebes na huling nag-usap tayo, bakit mo nga ba piniling sabihing interesado ka sa iba? Dahil ba sa sobrang gaan din ng loob mo sa akin at pinili mo akong manatili bilang kaibigan?

Hindi ko rin naman binalak na magustuhan ka o mag-ilusyon na magiging tayo. Totoo ang sinabi kong naghahanap lang ako ng kaibigan sa umpisa. Pero, sa tinakbo ng usapan natin at naging balikan ng mga karanasan at pinagdaanan, naramdaman ko sa sarili kong nagugustuhan na kita. Binalewala ko noon ang katotohanan ng agwat ng edad nating dalawa. Pinili kong magpakapuyat ng isang buong linggo para makausap lang kita. Para akong bumalik sa pagkadalaga na sabik na sabik makausap ang kanyang kasintahan. Sa kaso natin, sabik lang tayong may makalandian (balbal mang sabihin). 

Hindi ko iyon naranasan noong mas bata pa ako. Inamin ko pa nga sa iyo na ikaw sana ang magiging 'first date' ko. Ngunit, kung darating man ang panahon na makakakausap ulit ako ng taong kagaya mong mag-isip, baka hindi ko na pakawalan pa ang makipagkita ng personal. First time kong pumayag na makipag-date, 'di ba. Gusto ko nga sana na maglaro tayo sa arcade at mag-milktea nang magkasama.

Gusto ko sanang marinig ang boses mo. Gusto ko rin sanang makita ang ngiti mo. Inasahan ko ng hindi magiging gwapo ang makakatagpo ko. Pero, masaya sana akong makita ang isang kaibigang nakilala ko lang sa virtual world at ngayo'y magiging bahagi na ng katotohanan ng aking mundo.

Sayang. Sana mapatawad mo ako, RJ. Pinili kong lumayo para protektahan ang sarili ko. Alam naman nating dalawa na mahirap kung pipiliin natin ang tayo. Sinabi mo nga, ilang beses ka ng sumablay sa mga magulang mo dahil mali lagi ang mga babaeng pinakikilala mo.

Paano pa kaya kapag tuluyan kitang nagustuhan, maging tayo at dumating ang panahon na ipapakilala mo ako sa iyong mga magulang? Isa pa, sabi mo, there was an unusual spark between the two of you. Which, at that point, made me wonder, where do I fall in this picture? Kaya sabi ko sa sarili ko, 'Cherry, presence of mind. Itigil mo na ito, please.'

Masama man ang naging impression mo sa pagpili kong i-unfriend kita sa FB ay ok lang. Mas mabuti nang magkaroon tayo ng emotional distance sa isa't isa. Ang Facebook account ko ay naglalaman ng maraming personal, masaya at araw-araw na aktibidades ng aking buhay. Wala ng silbi pang ipamahagi at ibukas ko iyon sa iyo kung alam naman nating maghihiwalay din tayong dalawa.

All in all, I just wanted to say thank you for the good times. You have helped me move on from the loneliest stage of my life because I have been apart from Raymond. 

I am sorry to say this. You have unintentionally become my rebound to forget the pain of being away from Mon. 

Pero, salamat dahil dumating ka. Salamat dahil naglaan ka ng oras para sa akin. Salamat sa pakikinig sa mga kwento ko at walang kwentang mga gawain ko. Salamat dahil naging kaibigan kita.

At salamat, dahil may isang makulit na batang piniling makipag chat sa ate niya at binulabog ang tahimik at monotonous na kulay ng kanyang mundo.


Hindi kita makakalimutan, RJ. Pero kagaya ng lahat ng nobela at istorya, mananatili ka na lamang isang magandang alaala. 😊 Isang bagay na babalik-balikan ko at ngingitian kapag nababagot na ako sa buhay. 

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters

Mga Ka-Blogger