Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

Kahit 'Di Naging Tayo


Oo, alam ko. Walang tayo. Pero, nagpapasalamat ako na may nakilala akong isang katulad mo. 

Isang linggo. Ganyan lang katagal nang nag-usap tayo. Pero isang buong linggo siya na pinuno mo ng kilig, saya, takot, pag-aagam-agam at selos lalo na ng huli kitang makausap.

Hindi ko rin maintindihan. Hindi kita personal na kakilala. Pero nang mga sandaling kausap kita, pakiramdam ko ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo na para bang ilang taon na kitang kilala.

Siguro nga, magaling kang mambola. O siguro nga, sa dami ng naging girlfriend mo, alam mo na kung paano 'magpa-fall,' 'magpakilig' at kumuha ng tiwala.

Aaminin ko. Nakuha mo ako. Kahit sabihin pang walong taon ang pagitan ng edad natin, wala pa kahit sino sa mga naka-chat ko ang nakagaanan ko ng loob ng ganito.

Sayang. Sa totoo lang, nanghihinayang ako. Pero kung tinuloy ko pa ang kalokohang ito, alam ko na kung saan hahantong ang kabanatang ito - - iiyak lang ako. Umiyak ako. Saglit lang. Siguro mga 5 minuto sa loob ng palikuran. Luha iyon ng panghihinayang sa isang magandang alaalang ayoko sanang matapos agad.

Pero, isa talaga akong NINJA. Dahil, sa mismong araw na sinabi mong may kinakausap ka ng iba ay naging alerto agad ang aking isipan. Pinapili kaagad kita. Naramdaman ko kasi ang pag-aalinlangan sa isip mo lalo na ng binanggit mo kung gaano kalayo ang agwat ng edad natin sa isa't isa. Gayunpaman, naramdaman ko ring ayaw mo sanang maputol kung anuman ang nag-umpisa sa ating dalawa.

Aminin na natin. Ang naging ugnayan natin ay isang bihirang bagay na maaaring mangyari sa isang virtual dating app. Sa totoo lang, sinukuan ko na noon ang Tinder at MeetMe dahil wala akong matinong makausap. 

Pero, nang subukan ko ang Facebook dating, napag-alaman kong posible rin palang makahanap ng kagaya mo. Masarap kausap, madaling makagaanan ng loob. Isang taong pwede ko sanang maging kaibigan sa paglaon ng panahon. 

Pero alam nating parehas kung ano ang layunin natin sa paggamit ng dating app. Nagbakasakali tayo parehas na baka dito na natin makita ang taong gugustuhin nating makasama sa ating pagtanda. Hindi ako magsisinungaling. Totoong hinangad ko rin iyon. 

Ang isang buong linggo nating pag-uusap ang nagbunga ng pagkahulog ng loob ko sa iyo. Kinasabikan nga kitang makita noong nakaraang Linggo sana. Pero, naisip ko rin noong Huwebes na huling nag-usap tayo, bakit mo nga ba piniling sabihing interesado ka sa iba? Dahil ba sa sobrang gaan din ng loob mo sa akin at pinili mo akong manatili bilang kaibigan?

Hindi ko rin naman binalak na magustuhan ka o mag-ilusyon na magiging tayo. Totoo ang sinabi kong naghahanap lang ako ng kaibigan sa umpisa. Pero, sa tinakbo ng usapan natin at naging balikan ng mga karanasan at pinagdaanan, naramdaman ko sa sarili kong nagugustuhan na kita. Binalewala ko noon ang katotohanan ng agwat ng edad nating dalawa. Pinili kong magpakapuyat ng isang buong linggo para makausap lang kita. Para akong bumalik sa pagkadalaga na sabik na sabik makausap ang kanyang kasintahan. Sa kaso natin, sabik lang tayong may makalandian (balbal mang sabihin). 

Hindi ko iyon naranasan noong mas bata pa ako. Inamin ko pa nga sa iyo na ikaw sana ang magiging 'first date' ko. Ngunit, kung darating man ang panahon na makakakausap ulit ako ng taong kagaya mong mag-isip, baka hindi ko na pakawalan pa ang makipagkita ng personal. First time kong pumayag na makipag-date, 'di ba. Gusto ko nga sana na maglaro tayo sa arcade at mag-milktea nang magkasama.

Gusto ko sanang marinig ang boses mo. Gusto ko rin sanang makita ang ngiti mo. Inasahan ko ng hindi magiging gwapo ang makakatagpo ko. Pero, masaya sana akong makita ang isang kaibigang nakilala ko lang sa virtual world at ngayo'y magiging bahagi na ng katotohanan ng aking mundo.

Sayang. Sana mapatawad mo ako, RJ. Pinili kong lumayo para protektahan ang sarili ko. Alam naman nating dalawa na mahirap kung pipiliin natin ang tayo. Sinabi mo nga, ilang beses ka ng sumablay sa mga magulang mo dahil mali lagi ang mga babaeng pinakikilala mo.

Paano pa kaya kapag tuluyan kitang nagustuhan, maging tayo at dumating ang panahon na ipapakilala mo ako sa iyong mga magulang? Isa pa, sabi mo, there was an unusual spark between the two of you. Which, at that point, made me wonder, where do I fall in this picture? Kaya sabi ko sa sarili ko, 'Cherry, presence of mind. Itigil mo na ito, please.'

Masama man ang naging impression mo sa pagpili kong i-unfriend kita sa FB ay ok lang. Mas mabuti nang magkaroon tayo ng emotional distance sa isa't isa. Ang Facebook account ko ay naglalaman ng maraming personal, masaya at araw-araw na aktibidades ng aking buhay. Wala ng silbi pang ipamahagi at ibukas ko iyon sa iyo kung alam naman nating maghihiwalay din tayong dalawa.

All in all, I just wanted to say thank you for the good times. You have helped me move on from the loneliest stage of my life because I have been apart from Raymond. 

I am sorry to say this. You have unintentionally become my rebound to forget the pain of being away from Mon. 

Pero, salamat dahil dumating ka. Salamat dahil naglaan ka ng oras para sa akin. Salamat sa pakikinig sa mga kwento ko at walang kwentang mga gawain ko. Salamat dahil naging kaibigan kita.

At salamat, dahil may isang makulit na batang piniling makipag chat sa ate niya at binulabog ang tahimik at monotonous na kulay ng kanyang mundo.


Hindi kita makakalimutan, RJ. Pero kagaya ng lahat ng nobela at istorya, mananatili ka na lamang isang magandang alaala. 😊 Isang bagay na babalik-balikan ko at ngingitian kapag nababagot na ako sa buhay. 

0 comments:

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters

Mga Ka-Blogger