Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

Kanina lang, busy ako sa pagbabasa ng facebook posts. Pampalipas-oras. Pampaantok.

Napukaw ang atensyon ko ng isang post tungkol sa Kathniel relationship goals. 

Humanga ako sa sinabi ni Daniel sa kung paano nila napatagal ni Kathryn ang relasyon sa isa't isa. Paulit-ulit niyang sinabing bumabalik ako sa simula. Sino nga ba ang taong ito? Bakit nga ba siya ang piniling mahalin ko? Sa tuwing napapagod na siya sa pagmamahal sa taong iyon, binabalikan niya ang simula, ang mga dahilan kung bakit nabuo ang relasyon nila ni Kathryn at nananatiling matatag hanggang sa ngayon.

Hindi nito sinasadyang gisingin ang aking diwa at ipatanong sa sarili ko kung bakit ko nga ba pinili ang kasalukuyang trabaho ko. Pinabalik ako nito sa umpisa kung bakit ko ipinaglaban ang kasalukuyan kong posisyon at kung bakit nanatili ako kahit sobrang pinahirapan ako nang nag-uumpisa pa lang sa trabaho.

Mahal ko ang trabaho ko. Mahal ko ang araw-araw na mga suliranin at pagsubok na inihahatid nito sa akin sa tuwing nagbabasa ako ng emails ng mga kliyente ko. Dito ko nakikita ang isa sa mga dahilan kung bakit nabubuhay ako - - ito ay upang maghatid ng saya, tumulong sa abot ng aking makakaya, at iparamdam sa mga taong tinutulungan ko na hindi sila nag-iisa at may daramay kapag nasa dulo na sila ng kawalang pag-asa. I want them to see and feel Jesus through me. Natutuwa ako at patuloy akong natututo, hinuhubog at nakatutuklas ng maraming bagay na labas sa karaniwan kong kaalaman.

Ngayon, suriin naman natin ang mga dahilan kung bakit gusto kong umalis sa kumpanyang ito. Ang hinahabol ko ay ang patuloy na #, at sa kasamaang-palad, nakikita kong maiiwan na ako sa Run/Maintain tasks dahil ang Enhancement Requests ay laging binibigay sa iba. Malinaw kong sinabi sa lead ko noon na gusto kong magkaroon ng mga Enhancement tasks para mas mahasa ang galing ko sa paggawa ng FD at implementation. Pero, ipinaranas lang sa akin ang isang request. Sa kasamaang-palad, hindi na ito ulit nasundan pa at patapos na ang taon.

Ramdam ko na may bias ang leads at management pagdating sa pagtataas at paghusga sa mga tao. Ang lead ko, halos iisang tao lang ang itinutulak niya para matuto ng lead tasks. Hindi lang ako nagsasalita pero napapansin namin kung ano ang ginagawa niya. Ang management, minsan, ipino-promote nila ang mga tao base sa kung sino ang mas gusto nila. End of statement.

Maliit lang ang sahod ko kung ikukumpara sa isang taong inabot na ng ganito katagal sa linya ko. Marami pa akong gustong maabot at makamit para sa pamilya ko. Balak naming bumili ng bahay at lupa pati kotse para sa pamilya namin. Pero, sa sinasahod ko, ang kaya ko pa lang suportahan ay ang pang-araw-araw naming gastusin at pangangailangan.

Sa mga kliyente naman, may isa akong tinutulungan ng matagal na at inaalagaan sa tuwing nag-eemail siya. Ni minsan, hindi sumagot ng survey ang kumag para man lang magpasalamat. Pero nang dumating ang isang request na wala na talaga akong magawa, sumagot siya ng survey para lang sabihing hindi ako nakakatulong at wala pang alam. Nawalan na ako ng ganang tulungan pa ulit siya. Napakawalang-utang na loob at walang kwenta. Sa dami ng beses na natulungan ko siya, mas tiningnan niya 'yung isang beses na wala akong nagawa. Simula noon, hindi na ako nag-abalang tulungan pa siya. Kahit i-escalate pa niya sa CRT ang request niya.

Malayo rin ang pinapasukan ko at 4 na sakay ang pinakamababang bilang ng sakay na ginagawa ko araw-araw, balikan. Suma total, 8 papalit-palit na pagsakay na may kasamang mahahabang lakad at akyat-baba sa LRT. Sinabi ko na rin naman sa career counselor ko ang hinaing na ito. Kaya ang balak ko ay maghanap na ng kumpanyang mas malapit at madaling puntahan kumpara sa ngayon. 

Sa madaling-salita, hindi talaga ang trabaho ko ang inaaayawan ko kundi ang araw-araw na pakikisalamuha sa mga taong hindi ko gaanong mapagkakatiwalaan, hirap sa byahe at maliit na bayad sa araw-araw kong pagpapakahirap at pagpupuyat. Gusto ko pa ring gawin ang parehas na mga bagay na ginagawa ko ngayon. Dahil mahal ko at mahalaga sa akin ang trabaho ko.

But, I am desiring for a change of environment, a change of people I am surrounding myself with at work, a change in my current compensation to better my family's state of life. Sadly, I don't think I will see it in the current company I am in.

Sayang. I really wanted to stay for 12 years until retirement. Pero, the way things are going, I really need to leave my current toxic environment to avoid being sucked into the system. To avoid exhaling the same intoxicated air and passing on the fumes to others.

My friends told me the compensation will be much better once you step out of this company's walls. I will try to learn as much as I can and gain as much as I am able to. Pero sana, makahanap talaga ako ng malapit lang sa amin at may masayang work environment. The kind which had positive and encouraging people to surround you, especially when you are going through the most rough times and people cannot expect you to perform at your peak.

Naranasan ko na sumadsad talaga ang performance ko since April. Yun kasi ang panahon na nagsunod-sunod ang mga problema ko at umabot sa puntong hindi ko na alam kung papaano pupulutin ang sarili ko. Kinailangan ko ng isang taong makakaunawa sana at kakausapin ako ng pinagdaraanan ko ang mahirap na yugtong iyon. Pero ang napala ko ay sunod-sunod na emails na itinuturo ang mga kapalpakan at kakulangan ko.

Tao rin naman ako. Darating ang panahon na manghihina ako at hindi maaasahang makakapagtrabaho ng maayos at higit pa sa inaasahan. Ginising ako nito sa katotohanang hindi ko iyon maaasahan sa lead ko. Kaya ito, nagbibilang na ako ng mga buwan sa pagtapos ng taon.

Hindi na talaga karapat-dapat pang manatili sa kumpanyang ito. Alam kong maririnig naman ng Diyos ang hinihiling ko ngayon.

Hindi ako napagod sa trabaho. Napagod lang ako sa pag-unawa sa mga taong hindi naman ako uunawain kapag ako na ang nangangailangan noon. 

0 comments:

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters

Mga Ka-Blogger