Para saan ba ginawa ang hintuturo natin? Talaga bang nilikha siya ng Diyos upang manuro at manisi?
Sa maraming araw sa buhay ko, madalas kong ginagamit ang hintuturo lalo na sa mga pagkakataong hindi ko na kayang kontrolin ang mga pangyayari sa buhay ko. Leche! Bakit hindi ko pwedeng pahintuin o patigilin ang pagdagsa ng problema ko sa buhay! Minsan, hinihiling ko na sana, ako na lang si Bruce Almighty para kahit isang araw man lang eh tantanan na ako ng mga suliraning ito...
Gaya, ngayon. Eto at gagamitin ko na naman siya para manuro at manisi ng isang nilalang! Itago na lang natin siya sa pangalang Olay... Siya na ang pinakasinusumpa at kinaiinisan kong prof sa tanang buhay ko..
Noong mga nakaraang araw, nalaman ko na ang midterm grade ko sa kanya. Grabe, bagsakan ang midterm grades ng lola n'yo sa Elects2 at Elective !!!! Saan ka nakakita ng markang 71 at 64, ha?
Sa sobrang inis ko, umiyak ako sa sobrang sama ng loob.... (Syempre, hindi ko 'yun pinakita sa kanya...)
Umiyak ako sa chapel ng isang kilalang eskwelahan sa bandang U-Belt at doon ay ibinuhos ko ang sama ng loob ko kay Lord.
Ok lang sana 'yun kung ang pagkukulang na iyon ay nagmula sa akin. Pero ang sama nito, hindi iyon galing sa akin kundi dahil iyon sa kanya!
Sobra-sobra kung magbigay ng expectations pero hindi naman marunong magturo...
Sa computer, bago lumabas ang kung anu-anumang display sa screen, kailangan mong maglagay ng impormasyon para may maipakita siya...
Parang sa estudyante. Hindi sila makapaglalabas ng magandang resulta kung hindi ka marunong magturo at magbahagi ng kaalaman...
Simpleng konsepto lang 'yan ng input at output!!! (Sana pala inaral niya ng mabuti ang basic concepts ng computers.)
Hay, malagay nga siya sa Whapack!!!
Posted by
Rcyan
2 comments:
alam mo ba kung bakit may taong malalaki ang butas ng ilong?
dahil hinlalake ang gamit nila panungkit ng kulangot. at busy kasi yung hintuturo sa kakaturo. hay, basta all those fingers can work hand in hand. este finger in finger, ba dapat?
magkakatulong yan. iba-ibang function at hindi lang para ipanngturo. dahil meron naman nguso na substitute din ng iba para ipanuro.
hal.
mag-syota: ayun yung gf ko o, yung seksing nakapula. (gamit ang hintuturo)
mag-asawa na: gamit ang nguso. (ayun yung misis ko pare. yung matabang mukhang losyang.)
Hahaha!!! Kasi ayokong gamitin 'yung nguso ko para ituro siya. Baka isipin pa nu'n gusto ko siyang halikan... ^-^
Post a Comment