Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

Kagabi habang pauwi ako sa bahay lulan ng jeep na ang ruta ay Cubao-Divisoria, nag-isip-isip ako...

Huminto ito sandali sa harap ng isang kilalang fastfood chain at ako'y nagmasid hanggang mapansin ko ang isang interesanteng bagay.

Nakita ko ang isang rampang may logo ng "DISABLED" sign.

Napaisip ako nang malalim sa tunay na kahulugan ng simbolong iyon at ang implikasyon niya sa buhay ko...

Lahat ng tao nakararanas nang pagkabaldado kung minsan...

Baldado hindi lamang sa pisikal kundi maging sa emosyonal, ispiritwal at mental na aspeto.

Pakiramdam ko kasi, baldado ako ngayon...

Na lahat ng bagay na ginagawa ko ay walang silbi o dahilan... Na pinanghihina at pinagugupo na ko ng lahat ng karanasang sumusubok sa pagkatao ko...

Pagod na pagod na ako...

Pakiramdam ko, isa lang akong baldadong bagama't humihinga at nakakikilos ay hindi naman kayang tumayo sa sarili niyang paa upang panindigan ang mga pagpapasya niya.

Lagi na lang akong umiiwas... Lagi na lang akong tumatakas...

Lagi na lang akong umiiyak sa tuwing nahihirapan at nasasaktan ako. Lagi na lang luha ang isinasagot ko sa mga problema ko...

Oo, madalas nakikita ng mga tao ang ngiti sa mukha ko... Subalit, hindi nila napapansin ang mga luha at sakit sa likod ng mga halakhak ko...

(Shit! I hate being emo again!!!)

Darn it! I just can't help myself from bursting out and letting go of all these painful emotions welling up inside of me... The worst part is, I use my blog entries in order to unleash my hidden sentiments and agonies...

Oo, lahat tayo minsan sa buhay natin ay gustong maging baldado... Baldado upang magawa nating umasa sa ibang tao.. Umaasa na sana, ang mga taong iyon na lamang ang sumalo at dumanas sa lahat ng sakit na pinagdaraanan natin...

Aminin mo, hindi ba minsan, gusto mong sabihing, "Bakit nangyayari sa akin ito? Karapat-dapat ko bang danasin ang mga bagay na ito? Bakit hindi na lang napunta sa iba ang problema ko?"

At bilang pakunswelo sa sarili, sasabihin mo na lang, "Hindi ito ibibigay sa akin kung hindi ko kaya ito..."

Tama ba ang ganitong uri ng mentalidad sa mga problema mo?

Hindi ba pwedemg dumating ang oras na sumuko ka na at umatras sa laban para naman sa gayon ay tantanan ka na ng problema???

Baka naman kapag umiwas ka at magtago ay magsawa na ang problema mo sa'yo... Baka naman kapag nakita ng Diyos na hindi mo na kaya ay itigil niya na ang pagpapahirap sa'yo...

Naisip mo na ba ang bagay na ito?Teka, sino ba ang gustong maging baldado? Sino ba ang gusto nang sumuko sa buhay at umatras sa hamong ibinibigay nito?
Ikaw, gusto mo ba?

Ako, gusto ko ba?

Ang gaga ko talaga... Sometimes, I wish I was emotionally disabled... So that I would no longer feel pain and become numb to the sounds of my own misery...

--Raphaelle (I.N.J.)

5 comments:

i can relate...
i've been there, ive ask the same questions over and over again..

and i keep answering myself of the same answer like you do.

me..sumtimes i would think of the same thing..wishing im numb so i can't feel the pain.

just want to share this:

All of life is a test. We are always being tested..by God.We will be tested by major changes, delayed promises, impossible problems, unanswered prayers, undeserved criticism. and even senseless tragedies. But the very important test is "how we act when we can't feel God's presence in our life"Sometimes God intentionally draws back and we dont sense his closeness. When we understand that life is a test, you realize that nothing is insignificant in our life.

always remember that God always acts in our best interes, even when its painful and we don't understand.

hindi ka baldado.. ikaw na rin ang nagsabi.. pakiramdam lang natin yun.. kung ipagpapatuloy mong maging baldado parati ang laman ng isip mo.. magiging baldado ka nga..

http://hiraya.co.nr

Oo, naniniwala ako na ang ilang karamdaman ng tao ay bunga ng kanyang maling pag-iisip at pananaw sa buhay... Kaya lang, gaya nga ng sabi ko, minsan, kailangan mong sumuko, sumuko hindi para umatras sa laban kundi para hayaan itong ipagpatuloy ng isang mas Makapangyarihan sa iyo...

dahil lang sa nakitang rampa ng disabled, ikaw ay nakalikha ng emosyonal na post. ang galeng!

1 CORINTHIANS 10:13
No temptation has overtaken you but such as is common to man; and God is faithful, who will not allow you to be tempted beyond what you are able, but with the temptation will provide the way of escape also, so that you will be able to endure it.

aplikable yan sa lahat ng maniniwala. at kung naniniwala ka ding Diyos ang creator natin, mas higit Siyang nakakaalam kung hanggang saan ang ating limitasyon.

Salamat, kapatid... I might think things over...

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters

Mga Ka-Blogger