Hay, minsan sa buhay, kinakailangan nating mamili... Sapagkat ito ang bagay na sumusukat hindi lamang sa ating katatagan kundi maging sa atin ding pagkatao... Mahirap para sa akin ang desisyong ito subalit, paninindigan ko.
Kanina lamang ang kumuha ako ng pagsusulit sa asignaturang Inhenyerong Ekonomiya. [Well, sadyaan daw bang babuyin ang translation ng Engineering Economy?] Pilitin ko mang arukin at analisahin ang mga tanong ay hindi ko makuha kahit na isang sagot.
Akala ko pa naman, dahil multiple choice iyon ay madali na...
As expected, wala akong nasagot kahit na isa...
Kaya ang inaasahan at talaga namang lalabas sa aking midterm exam ay...
ZERO!!! [Ala Sir Ybañez style ng pagsasalita!]
Akalain mo 'yun? Zero ang midterm exam ko???
At akalain mong magpopost ako ng ganito dito. [Oooops! Hindi ako nag-aambisyong gayahin ang nasimulan na ni G. Allego... (^-^) ]
Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Kesyo, marahil sinadya iyon ni Chorva para mahirapan kami at mapilitang mag-donate ng dugo. Kesyo ang bobo-bobo ko at ni hindi man lang ako nakapagpalabas kahit isang sagot...
Subalit ang lahat ng iyon ay haka-haka lamang... Wala ni isa ang katotohanan.
Masakit mang isipin, ang tuksong kanina pa tumutudyo sa akin na mag-donate ng dugo at ilagay ang pangalan ni chorva2 doon ay pilit naglilikot sa aking isip.
Noong mga nakaraang araw kasi, sinabi na ni Olay ang tungkol sa Bloodletting Activity na iyon at nagpapalista siya sa papel ng mga nilalang na interesadong magbigay ng dugo.
At iyon ay may kapalit...
10 points kada isang bag ng dugo sa Midterm exam pati na rin siguro sa quizzes namin...
Sa totoo lang, nabighani ako sa bagay na iyon dahil medyo nangangailangan na nga ako ng panghila sa kanya... Hindi ako gumawa ng 100 solved problems sa Elects2 at Elective1. Hindi rin ako nakapag-take ng kaisa-isang quiz namin sa Elective1 dahil sa na-late ako ng dating sa pag-aasikaso ng mga articles ko...
Subalit, sinabi ko pa rin sa sarili ko na kung sakaling tutulong man ako, iyon ay sa kadahilanang bukal sa loob ko ang pagtulong at hindi dahil naghihintay ako ng kapalit niyon...
Buo na ang pasya ko. Sabi ko, bahala nang magkaletse-letse dahil prinsipyo at pagkatao ko ang nakataya dito...
Eh, eto na nga. Dumating ang midterm sa EngEco. Inaasahan ko nang mahirap siya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit SOBRANG HIRAP niya!!!
Parang nananadya talaga! Bakit naman gano'n? 'Yung mga tanong doon ay hindi naman namin halos natalakay... Hindi k0 talaga maintindihan kung bakit...
Kanina nga, todo dasal ako kay Lord na sana 'wag niya akong pababayaan... Tinutukso din ako ng alalahaning napakalaking porsiyento ng midterm exam at kailangan ko nang panghatak para hindi ako bumagsak...
Bakit naman gano'n? Inisip ko na lang, "Sige, bahala na... Bagsak na kung bagsak... Pero hindi talaga ako pipirma na may nakalagay na pangalan ni Olay o chorva2 doon sa donor form...
Hindi talaga...
Prinsipyo at pagkatao ang dapat umiral...
0 comments:
Post a Comment