(Writer's note: All of these poems were made last Sept. 2, 2010, in front of the school canteen in TIP Arlegui, Manila while studying for that dreaded subject known as 'Special Topics.' At least, my efforts did not become futile. I survived Topics. Hooray!)
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Nagbabadya ang kalawakan,
nagsasalimbayan sa kawalan.
pira-pirasong alaala ng nakaraan,
nagsisilbing tila mumo ng bubog.
sa mundong 'di tumitigil sa pag-inog.
Samahan mo ako,
tuklasin ang lihim ng mundo.
Kung ang luha ay gamot
na hihilom sa lungkot,
ikaw nga ba'y isang sugat na 'di malilimot?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
PUTI
Ito ay kadalisayan,
kabusilakan ng pusong sugatan,
dungisan mo at bahiran,
at agad na magmamarka.
Pula ang kulay ng dugo,
bahiran mo itong puting mundo,
hayaang ang bawat patay ay dungisan,
nang ang nabahirang kaluluwa ay muling malinisan.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Pakikipag-usap sa Kawalan
Kilala mo ba ako?
Ako ang iyong anino.
Tingnan mo't susunod ako sa iyo,
sa bawat hakbang, pagkilos at pag-ikot mo.
Kaya kong tumalon, lumundag at magtago,
ngunit 'di ko kayang lumuha para sa iyo...
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Mali ka, kaibigan,
kung iniisip mong,
ang pagsusulat ay tuluyang nilimot.
Ang tinapay, 'pag iniwan,
tiyak na nilulumot.
Ngunit 'di ang isip kong,
walang tigil sa paglikot.
Oo nga't kung masda'y
'di naman gumagalaw,
liban lang sa mga kamay,
kumukurbang walang humpay!
Tahimik ma't walang ituran,
ang tinig ko'y umaalingawngaw,
sa malinis na baybayin ,
nitong aking sulatan.
'Di mo lang napapansin,
ang layo't lawak ng lakbayin.
Moog mang ituri'y,
nakalalakad pa rin.
Ang isip ko'y may pakpak,
inaabot ang alapaap.
At sa katahimikan ng mga ulap,
doo'y sasaglit, mangangarap.
Ang mangangatha'y mapapagal,
saglit na mamamahinga,
ngunit pumikit man ang mata,
tatanawin rin ang kalawakan.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(All poems are strictly for the editor's use only.To my fellow writers, work on your own craft. Please exercise your intellect and observe the Intellectual Property Right.)
-- RAPHAELLE (i.n.j.)
(Nakakatawa man, pero ganito talaga ako magpalipas ng oras. Kapag nakita mo akong umupo sa isang sulok, nakatulala, tahimik at hindi umiimik, beware! Bawal akong istorbohin. Kasi, sa panahong iyon, isa na namang panibagong ideya para sa isang tula o kwento ang pumasok sa isip ko.
Ayoko ng istorbo kapag nagsusulat ako, so back off! Haha! Enjoy!
At bilang pruweba na nag-aaral nga ako ng mga oras na ito, katunayan, nakasulat sa likod ng Chemistry reviewer ko 'yung apat na tula ko. Nauta lang ako sa kababasa ng molecular weight, atomic weight, chu chu at problem solving ng formula mass at balancing chemical equations.
Kaya para hindi ako masyadong ma-pressure, binaba ko muna 'yung periodic table ko at tumunganga. Tapos, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagsusulat. Haha!
Siya nga pala, kung itatanong mo sa akin 'yung naging resulta ng exam ko noong araw na iyon, so far, so good. Kaya nga ako pumasa ng Topics eh. Hehe. And after a few days from now, at last, my graduation rites will come.
CONGRATULATIONS BATCH 2011!!!!)
0 comments:
Post a Comment