Katahimikang pumailanlang sa kawalan,
Kaniig sa pag-iisa'y kalungkutan.
Sa kawalan ng salita, nangibabaw ang pangungulila,
Sa alaala ng iyong tinig, pag-ibig at mukha.
Nawa sa pagpikit ng mga mata,
Umabot ang panaginip sa kalangitan.
Matiyagang kakatok sa nakatanikalang tarangkahan,
Aabangan ang iyong pagsilip, sa tarangkahang nakapinid.
At sa muli kong paggising, babaunin iyong ngiti.
Kung maaari lang sanang 'di magising muli,
Nais ko'y makasama sa habambuhay, giliw.
Sa paghabi ng mga pangarap, pagpinta at pagkulay ng daigdig.
Subalit ang makata'y 'di mawari ang hiwaga,
At 'di magawang mabali ng katha ang mahika.
Sapagkat ang hiwaga, Siya lamang ang nakauunawa,
Dumurugo man ang puso, kusang maghihilom ang sugat.
-- Raphaelle ( I. N. J.)
(Para sa nag-iisa kong anghel. Happy 22nd Birthday!)
0 comments:
Post a Comment