Kagabi habang pauwi ako sa bahay lulan ng jeep na ang ruta ay Cubao-Divisoria, nag-isip-isip ako...
Huminto ito sandali sa harap ng isang kilalang fastfood chain at ako'y nagmasid hanggang mapansin ko ang isang interesanteng bagay.
Nakita ko ang isang rampang may logo ng "DISABLED" sign.
Napaisip ako nang malalim sa tunay na kahulugan ng simbolong iyon at ang implikasyon niya sa buhay ko...
Lahat ng tao nakararanas nang pagkabaldado kung minsan...
Baldado hindi lamang sa pisikal kundi maging sa emosyonal, ispiritwal at mental na aspeto.
Pakiramdam ko kasi, baldado ako ngayon...
Na lahat ng bagay na ginagawa ko ay walang silbi o dahilan... Na pinanghihina at pinagugupo na ko ng lahat ng karanasang sumusubok sa pagkatao ko...
Pagod na pagod na ako...
Pakiramdam ko, isa lang akong baldadong bagama't humihinga at nakakikilos ay hindi naman kayang tumayo sa sarili niyang paa upang panindigan ang mga pagpapasya niya.
Lagi na lang akong umiiwas... Lagi na lang akong tumatakas...
Lagi na lang akong umiiyak sa tuwing nahihirapan at nasasaktan ako. Lagi na lang luha ang isinasagot ko sa mga problema ko...
Oo, madalas nakikita ng mga tao ang ngiti sa mukha ko... Subalit, hindi nila napapansin ang mga luha at sakit sa likod ng mga halakhak ko...
(Shit! I hate being emo again!!!)
Darn it! I just can't help myself from bursting out and letting go of all these painful emotions welling up inside of me... The worst part is, I use my blog entries in order to unleash my hidden sentiments and agonies...
Oo, lahat tayo minsan sa buhay natin ay gustong maging baldado... Baldado upang magawa nating umasa sa ibang tao.. Umaasa na sana, ang mga taong iyon na lamang ang sumalo at dumanas sa lahat ng sakit na pinagdaraanan natin...
Aminin mo, hindi ba minsan, gusto mong sabihing, "Bakit nangyayari sa akin ito? Karapat-dapat ko bang danasin ang mga bagay na ito? Bakit hindi na lang napunta sa iba ang problema ko?"
At bilang pakunswelo sa sarili, sasabihin mo na lang, "Hindi ito ibibigay sa akin kung hindi ko kaya ito..."
Tama ba ang ganitong uri ng mentalidad sa mga problema mo?
Hindi ba pwedemg dumating ang oras na sumuko ka na at umatras sa laban para naman sa gayon ay tantanan ka na ng problema???
Baka naman kapag umiwas ka at magtago ay magsawa na ang problema mo sa'yo... Baka naman kapag nakita ng Diyos na hindi mo na kaya ay itigil niya na ang pagpapahirap sa'yo...
Naisip mo na ba ang bagay na ito?Teka, sino ba ang gustong maging baldado? Sino ba ang gusto nang sumuko sa buhay at umatras sa hamong ibinibigay nito?
Ikaw, gusto mo ba?
Ako, gusto ko ba?
Ang gaga ko talaga... Sometimes, I wish I was emotionally disabled... So that I would no longer feel pain and become numb to the sounds of my own misery...
--Raphaelle (I.N.J.)