Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

Kagabi habang pauwi ako sa bahay lulan ng jeep na ang ruta ay Cubao-Divisoria, nag-isip-isip ako...

Huminto ito sandali sa harap ng isang kilalang fastfood chain at ako'y nagmasid hanggang mapansin ko ang isang interesanteng bagay.

Nakita ko ang isang rampang may logo ng "DISABLED" sign.

Napaisip ako nang malalim sa tunay na kahulugan ng simbolong iyon at ang implikasyon niya sa buhay ko...

Lahat ng tao nakararanas nang pagkabaldado kung minsan...

Baldado hindi lamang sa pisikal kundi maging sa emosyonal, ispiritwal at mental na aspeto.

Pakiramdam ko kasi, baldado ako ngayon...

Na lahat ng bagay na ginagawa ko ay walang silbi o dahilan... Na pinanghihina at pinagugupo na ko ng lahat ng karanasang sumusubok sa pagkatao ko...

Pagod na pagod na ako...

Pakiramdam ko, isa lang akong baldadong bagama't humihinga at nakakikilos ay hindi naman kayang tumayo sa sarili niyang paa upang panindigan ang mga pagpapasya niya.

Lagi na lang akong umiiwas... Lagi na lang akong tumatakas...

Lagi na lang akong umiiyak sa tuwing nahihirapan at nasasaktan ako. Lagi na lang luha ang isinasagot ko sa mga problema ko...

Oo, madalas nakikita ng mga tao ang ngiti sa mukha ko... Subalit, hindi nila napapansin ang mga luha at sakit sa likod ng mga halakhak ko...

(Shit! I hate being emo again!!!)

Darn it! I just can't help myself from bursting out and letting go of all these painful emotions welling up inside of me... The worst part is, I use my blog entries in order to unleash my hidden sentiments and agonies...

Oo, lahat tayo minsan sa buhay natin ay gustong maging baldado... Baldado upang magawa nating umasa sa ibang tao.. Umaasa na sana, ang mga taong iyon na lamang ang sumalo at dumanas sa lahat ng sakit na pinagdaraanan natin...

Aminin mo, hindi ba minsan, gusto mong sabihing, "Bakit nangyayari sa akin ito? Karapat-dapat ko bang danasin ang mga bagay na ito? Bakit hindi na lang napunta sa iba ang problema ko?"

At bilang pakunswelo sa sarili, sasabihin mo na lang, "Hindi ito ibibigay sa akin kung hindi ko kaya ito..."

Tama ba ang ganitong uri ng mentalidad sa mga problema mo?

Hindi ba pwedemg dumating ang oras na sumuko ka na at umatras sa laban para naman sa gayon ay tantanan ka na ng problema???

Baka naman kapag umiwas ka at magtago ay magsawa na ang problema mo sa'yo... Baka naman kapag nakita ng Diyos na hindi mo na kaya ay itigil niya na ang pagpapahirap sa'yo...

Naisip mo na ba ang bagay na ito?Teka, sino ba ang gustong maging baldado? Sino ba ang gusto nang sumuko sa buhay at umatras sa hamong ibinibigay nito?
Ikaw, gusto mo ba?

Ako, gusto ko ba?

Ang gaga ko talaga... Sometimes, I wish I was emotionally disabled... So that I would no longer feel pain and become numb to the sounds of my own misery...

--Raphaelle (I.N.J.)

Hay, minsan sa buhay, kinakailangan nating mamili... Sapagkat ito ang bagay na sumusukat hindi lamang sa ating katatagan kundi maging sa atin ding pagkatao... Mahirap para sa akin ang desisyong ito subalit, paninindigan ko.


Kanina lamang ang kumuha ako ng pagsusulit sa asignaturang Inhenyerong Ekonomiya. [Well, sadyaan daw bang babuyin ang translation ng Engineering Economy?] Pilitin ko mang arukin at analisahin ang mga tanong ay hindi ko makuha kahit na isang sagot.

Akala ko pa naman, dahil multiple choice iyon ay madali na...

As expected, wala akong nasagot kahit na isa...
Kaya ang inaasahan at talaga namang lalabas sa aking midterm exam ay...

ZERO!!! [Ala Sir Ybañez style ng pagsasalita!]

Akalain mo 'yun? Zero ang midterm exam ko???

At akalain mong magpopost ako ng ganito dito. [Oooops! Hindi ako nag-aambisyong gayahin ang nasimulan na ni G. Allego... (^-^) ]

Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Kesyo, marahil sinadya iyon ni Chorva para mahirapan kami at mapilitang mag-donate ng dugo. Kesyo ang bobo-bobo ko at ni hindi man lang ako nakapagpalabas kahit isang sagot...

Subalit ang lahat ng iyon ay haka-haka lamang... Wala ni isa ang katotohanan.

Masakit mang isipin, ang tuksong kanina pa tumutudyo sa akin na mag-donate ng dugo at ilagay ang pangalan ni chorva2 doon ay pilit naglilikot sa aking isip.

Noong mga nakaraang araw kasi, sinabi na ni Olay ang tungkol sa Bloodletting Activity na iyon at nagpapalista siya sa papel ng mga nilalang na interesadong magbigay ng dugo.

At iyon ay may kapalit...

10 points kada isang bag ng dugo sa Midterm exam pati na rin siguro sa quizzes namin...

Sa totoo lang, nabighani ako sa bagay na iyon dahil medyo nangangailangan na nga ako ng panghila sa kanya... Hindi ako gumawa ng 100 solved problems sa Elects2 at Elective1. Hindi rin ako nakapag-take ng kaisa-isang quiz namin sa Elective1 dahil sa na-late ako ng dating sa pag-aasikaso ng mga articles ko...

Subalit, sinabi ko pa rin sa sarili ko na kung sakaling tutulong man ako, iyon ay sa kadahilanang bukal sa loob ko ang pagtulong at hindi dahil naghihintay ako ng kapalit niyon...

Buo na ang pasya ko. Sabi ko, bahala nang magkaletse-letse dahil prinsipyo at pagkatao ko ang nakataya dito...

Eh, eto na nga. Dumating ang midterm sa EngEco. Inaasahan ko nang mahirap siya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit SOBRANG HIRAP niya!!!

Parang nananadya talaga! Bakit naman gano'n? 'Yung mga tanong doon ay hindi naman namin halos natalakay... Hindi k0 talaga maintindihan kung bakit...

Kanina nga, todo dasal ako kay Lord na sana 'wag niya akong pababayaan... Tinutukso din ako ng alalahaning napakalaking porsiyento ng midterm exam at kailangan ko nang panghatak para hindi ako bumagsak...

Bakit naman gano'n? Inisip ko na lang, "Sige, bahala na... Bagsak na kung bagsak... Pero hindi talaga ako pipirma na may nakalagay na pangalan ni Olay o chorva2 doon sa donor form...

Hindi talaga...

Prinsipyo at pagkatao ang dapat umiral...

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters

Mga Ka-Blogger