Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

Euphoria

By Raphaelle


Stacks of legal-sized paper were filed on top of his desk. He was searching for his ballpen in the middle of the clutter. He struggled with the mess for a few minutes but was eventually successful in finding what he was looking for.

Dark circles under his eyes and lines that filled the contours of his face completely hid the age that should have been twenty-five. Ambition – he remained focused in achieving his goals that he neglected himself of life’s comforts.


What were the things that men value in life? Prestiges, money, honor – it was said that without these one’s life would never be complete. Focus, he told himself as he now affixed his signature on a five-page document.


He stood up from his chair and stretched his weary arms.


“I need a cup of coffee,” he whispered to himself as he moved towards a nearby table. A sleepy head tends to make mistakes while doing his job.


“I think you need a break,” came a little voice near him. Startled, he almost dropped his cup and felt the hot splash of liquid on his hand.


“Ouch! Who the heck are you?”

His head automatically tilted to the direction of the voice. However, he found nobody around.

“Over here. Beside the coffee creamer.”


Warily, he followed the instruction and saw a thumb-sized creature on the table.


“What are you?” Unbelieving, he creased his eyes to confirm whether he was just imagining things. Then, he remembered the story of Gulliver and his encounter with a being known as a Lilliputian. “You’re not a Lilliputian, are you?”


“Nope. I’m an Abercromb. I came from Nottingham. My name is Meridian.”


“And what are you doing inside my office? Did my secretary allow you to enter?”


“Secretary? What is that? Anyway, I came here to fetch you. Come with me.”


“What? You want me to come with you? I am currently in the middle of an important business. Get out. You are disturbing my work.” The lines on his forehead are clearly pronounced now.


“Mr. Rosenduff, I came here with a purpose. I am fetching you. Here, take this.” The creature handed him a flower half of its size.


“What is this?”


“It’s a forget-me-not. Eat the pollen grains. We have a long journey ahead of us.”


“You want me to eat this? Who are you to order me around?”


The creature then let out a blast of electricity from its hand. “Follow me or suffer.”


“What the? Okay then.” Frightened, he immediately swallowed the grains that tasted pleasantly sweet. It reminded him of his favorite candy when he was a child. Suddenly, flashes of his innocent and carefree days came to his memory. Ah, he suddenly realized how his youth was robbed by time.


“What is this?” A smile now formed in his lips. He then felt his body getting lighter until he was a few inches above the ground. “What the heck is happening to me?”


“Forget-me-not grains have amylthelase, a formula that helps you remember long-forgotten memories. Do you know the principle of levitation? It’s a phenomenon that happens when a man is completely in a state of bliss and relaxation. That explains why you are floating. Now that you are ready, let’s go. ”


Puzzled, he just stared at Meridian.


“Don’t just stare at me. Move. You can fly with me now to Nottingham.”


They then traveled across the skies and felt the cool rush of wind upon their skin. He was now as free as a seagull! Mr. Arthur Rosenduff, the executive, is Peter Pan now!


It only took them a few minutes before they saw a floating valley among the clouds with a breathtaking beauty no mortal eye has ever seen. A crystal clear waterfall completed the scenery. There were pixies and leprechauns and characters he remembered meeting in his old storybooks. Laughter and merriment filled the place intoxicating him with that peaceful ambience he felt during childhood. Déjà vu – he automatically had that feeling that he had been here before.


Meridian beckoned him to come closer. “Arthur, welcome to Nottingham. This world is open for children and grown children who have forgotten their youth. I once brought you here when you were young. But I doubt if you can still recall that one.”


“Arthur! You came back!” Three little fairies appeared before his eyes as if they expected him.


“Do I know you?” He asked shyly, unaware that everybody’s eyes were fixed on him.


“So you did choose to grow up, didn’t you?” One fairy blurted out the words as if accusing him of a grave sin.


“Everybody grows up.” He said matter-of-factly.


“Meridian, perhaps you can make him remember some of the important details?” Another fairy added.


The creature nodded.


“Come with me, Arthur.” Then they moved towards the forest filled with glittering, enchanted trees.


They are now in the heart of the forest. Arthur saw a swirling mass of silver liquid in what seemed to be a spring.


“What type of spring is this?” He cannot help but ask.


“It’s called the Pensieve of Oblivion. People and creatures place the memories they wish to forget here.”


“Uhm. Okay.”


“Put your hand in the water.”


As soon as he placed his hand in the liquid, some of its tiny droplets went around him and enveloped him.


Flashes of memories came all of a sudden. Days when he played and ran with some of the fairies and made music with Meridian enlightened him. But one particular memory that he wanted to forget was brought back to him. Tears came streaming down his eyes.


“You once came here with me. When you were a child, you were one of those few who were gifted with the ability to see us. But when your mother died, you decided that you wanted to forget everything about your childhood. You wanted that painful part of your youth to be erased. I granted you your wish.”


He remained standing fixed there, his head bowed down to the ground. He is crying.


“Hush now, Arthur. We must go back.” Meridian held his hand.


Although he was shaking, he nodded. They moved across the skies. While they were above the clouds, Arthur turned to his friend.


“Meridian, can I still come back here?”


His friend just smiled.


Arthur Rosenduff stretched his weary arms. He was too exhausted he didn’t notice he already fell asleep. Strange, he said to himself. He dreamt of a wonderful place where he saw creatures he vaguely remembered. It was just a dream, that was true but why did it seem real?
As he rose from his seat, he noticed something strange on his cluttered desk.

There was a tiny forget-me-not there.

(Made on December 3, 2008)

It is better to slip with your foot than to slip with your tongue...


Kahapon na siguro ang pinakamasamang araw sa buhay ko...

May isang bagay akong nagawang bagama't alam kong mali ay nagawa ko pa rin...

Kung tutuusin, sinusundot pa nga rin ako ng konsensya ko hanggang ngayon, eh. Akala ko nga, hindi ako makakatulog kagabi...

Ganito kasi 'yon....

Defense namin kahapon kay Olay. Sa totoo lang, ilang araw na akong naaasar sa kanya dahil nga sa bukod sa isang linggo bago ang submission namin niya binigay ang project na iyon, hindi niya kami tinuruan ng maayos para naman sa gayon ay mapagana namin nang matiwasay ang nasabing proyektong itago na lang natin sa pangalang Chorva. Bahagi 'yan ng trabaho ng isang nag-aasam maging isang Electronics and Communications Engineer.

Ang siste, ilang araw na akong banas na banas dahil sunud-sunod na araw na kaming nagpupuyat at may pagkakataon pang hindi kami natulog para lang sa damuhong proyektong iyon na hindi naman namin alam ang patutunguhan at lalong hindi namin alam kung mapapagana ba namin para masabing karapat-dapat nga kaming maging Electronics Engineers...

Marso 12, 2008 - Ayun na! Sa wakas dumating din ang araw ng defense namin. Ang sabi niya, 3:30 p.m. daw ang simula ng defense at lahat kami ay dumating sa oras.

Kaya lang, nahuli pa rin kami ng umpisa dahil nga sa may isa pa siyang hawak na section ng Electronics II na kasalukuyan ding nagdedepensa ng mga sarili nila ng pagkakataong iyon.

Lumipas pa ang mga oras na naghintay kami...

May nagbaliw-baliwan, nagkulitan, asaran at sapakan na sa mga kaklase ko upang mapalipas ang pagkabagot na unti-unting lumalamon sa aming pagkatao... May iba pa ngang nagmistulang estatwa at monumento sa tagal nang pagkakatayo nila sa isang sulok.

Isipin mo ba naman, tama bang maghintay ka ng mahigit limang oras sa labas ng defense room at lamunin na ng large intestine mo ang small intestine mo sa sobrang gutom???

Lalo tuloy nag-igting ang inis na ilang araw na ring namumuo sa aking dibdib!

Sa wakas, matapos ang sampung taon, tinawag na rin kami ng lalaking itago na lang natin sa ngalang Olay...

Lima kami sa grupo. Nauna ang mga kasama ko. Huli akong natawag dahil alphabetically speaking, panghuli ang apelyido ko.

Nang nakaupo pa ako at nakikinig sa mga kagrupo ko, sinabi ko sa sarili kong, "Relax lang, brad... Magpakahinahon ka. Hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin sa'yo 'pag humulagpos ang galit mo."

Pero, iba ang nangyayari sa aktuwal na buhay.

Galit na galit ako at sumambulat sa kaawa-awang nilalang na nabanggit ko. [Teka nga, nakakaawa ba talaga siya???]

Sinagot ko siya sa tuwid na Ingles at pinagdiinan kong kailangan namin ng isang gurong magtuturo sa amin ng mga konsepto ng isang asignatura. Bagama't may libro na maaari mong pagsanggunian, hindi lahat nang nababasa mo ay kaya mong maintindihan dahil na rin sa 'technical terms' na nakasulat doon.

Sinabi niyang, "That is the purpose why I gave you that project." [Hindi siya magaling mag-Ingles. Halatado naman kasi hindi maganda ang kanyang diction at barok pa ang kanyang pronunciation! Isa pa, paulit-ulit lang ang mga tanong niya!!!]

Sabi ko, "That is not sufficient, Sir."

Tapos, medyo nahilo yata siya sa Ingles ko kaya naman nang magtuluy-tuloy ako ng pagsasalita, kinailangan niyang ipaulit sa akin ang mga sinabi ko dahil hindi niya maintindihan ang gusto kong iparating.

"What are those technical terms?" [Medyo nakakunot ang noo at baluktot pa ang dila niyang pagsabi dito. Nosebleed! In scientific terminology, this is also known as EPISTAXIS!]

"Sir, the h-parameter thing and that diode model concept which was written in the book."

"So, did you understand it?"

"No, Sir. That actually caused our difficulty in making the project," bato ko pa.

Ang sumunod na pangyayari, blangko. Katahimikan. [Hindi na yata niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nahihirapan maghanap ng English words! Bwahahahah!!!]

Tinanong ko naman siya nang may kinalaman sa iniisip kong naging dahilan nang kapalpakan ng project namin. Sa huli, nasagot niya ang tanong ko at sinabi kong, "Sir, I think that is what caused the malfunctioning of our project."

Sa wakas, natapos din kami. Ang resulta? 'Ayun... Bad trip!

Lumabas ako ng eskwelahan na banas na banas, nanginginig sa galit at gustong sumapak ng tao. Kasabay ko papunta sa sakayan ang isa sa mga kagrupo ko.

Sabi niya sa akin,"Che, hindi mo dapat ginawa iyon. 'Yun nga 'yung mismong gustong matutunan natin ni Sir, eh. 'Yung matutong mag-self -study at malaman ang kaibahan ng practical sa theory. Alam mo, sa ginawa mo, natapakan mo ang ego niya."

Matagal ko nang alam iyon. Pero sa isip-isip ko, kahit na magawa niyang ituro sa amin iyon, na iba ang matutuklasan mo sa totoong buhay, naiinis pa rin ako.

Matagal ko na nga kasing alam iyon. Ang punto ko, para kasi kaming mga sundalong pinasugod sa giyera nang walang dalang sandata. May dala man, depektibo naman.

Kung siguro tinuruan niya kami nang maayos, bagama't mahirapan kami, hindi kami literal na mangangapa sa kawalan para sa mga kasagutang ni hindi nga namin alam kung tama ba o mali, kung dapat gamitin o hindi ba dapat.

Sana, maintindihan niya na may basehan ang galit ko. Hindi ako basta-basta nagagalit ng walang rason.

At sa totoo lang, mahaba ang pasensya ko. Dapat nga ilagay siya sa Guiness Book of World Records dahil nagawa niyang putulin ito...

Pero, bagama't nasa tama ako, sa huli naisip kong may mali ako. Kahit pa nasa tamang paninindigan ako, hindi tamang sagut-sagutin ko siya dahil teacher pa rin siya. Mas matanda siya at kung tutuusin, mas maraming alam.

Kung hindi ko man siya magawang irespeto bilang isang guro, sana nagawa ko siyang irespeto bilang isang tao...

Napagpasyahan ko ring humingi ng dispensa sa kanya. Kasi nga, hindi tama ang ginawa ko.

Hindi ko na pwedeng mabawi ang nasabi ko na... Pero, pwede kong ipakitang handa akong tumanggap ng pagkakamali...

That, I think is the true measure of maturity...

Para saan ba ginawa ang hintuturo natin? Talaga bang nilikha siya ng Diyos upang manuro at manisi?

Sa maraming araw sa buhay ko, madalas kong ginagamit ang hintuturo lalo na sa mga pagkakataong hindi ko na kayang kontrolin ang mga pangyayari sa buhay ko. Leche! Bakit hindi ko pwedeng pahintuin o patigilin ang pagdagsa ng problema ko sa buhay! Minsan, hinihiling ko na sana, ako na lang si Bruce Almighty para kahit isang araw man lang eh tantanan na ako ng mga suliraning ito...

Gaya, ngayon. Eto at gagamitin ko na naman siya para manuro at manisi ng isang nilalang! Itago na lang natin siya sa pangalang Olay... Siya na ang pinakasinusumpa at kinaiinisan kong prof sa tanang buhay ko..

Noong mga nakaraang araw, nalaman ko na ang midterm grade ko sa kanya. Grabe, bagsakan ang midterm grades ng lola n'yo sa Elects2 at Elective !!!! Saan ka nakakita ng markang 71 at 64, ha?

Sa sobrang inis ko, umiyak ako sa sobrang sama ng loob.... (Syempre, hindi ko 'yun pinakita sa kanya...)

Umiyak ako sa chapel ng isang kilalang eskwelahan sa bandang U-Belt at doon ay ibinuhos ko ang sama ng loob ko kay Lord.

Ok lang sana 'yun kung ang pagkukulang na iyon ay nagmula sa akin. Pero ang sama nito, hindi iyon galing sa akin kundi dahil iyon sa kanya!

Sobra-sobra kung magbigay ng expectations pero hindi naman marunong magturo...

Sa computer, bago lumabas ang kung anu-anumang display sa screen, kailangan mong maglagay ng impormasyon para may maipakita siya...

Parang sa estudyante. Hindi sila makapaglalabas ng magandang resulta kung hindi ka marunong magturo at magbahagi ng kaalaman...

Simpleng konsepto lang 'yan ng input at output!!! (Sana pala inaral niya ng mabuti ang basic concepts ng computers.)

Hay, malagay nga siya sa Whapack!!!

Kagabi habang pauwi ako sa bahay lulan ng jeep na ang ruta ay Cubao-Divisoria, nag-isip-isip ako...

Huminto ito sandali sa harap ng isang kilalang fastfood chain at ako'y nagmasid hanggang mapansin ko ang isang interesanteng bagay.

Nakita ko ang isang rampang may logo ng "DISABLED" sign.

Napaisip ako nang malalim sa tunay na kahulugan ng simbolong iyon at ang implikasyon niya sa buhay ko...

Lahat ng tao nakararanas nang pagkabaldado kung minsan...

Baldado hindi lamang sa pisikal kundi maging sa emosyonal, ispiritwal at mental na aspeto.

Pakiramdam ko kasi, baldado ako ngayon...

Na lahat ng bagay na ginagawa ko ay walang silbi o dahilan... Na pinanghihina at pinagugupo na ko ng lahat ng karanasang sumusubok sa pagkatao ko...

Pagod na pagod na ako...

Pakiramdam ko, isa lang akong baldadong bagama't humihinga at nakakikilos ay hindi naman kayang tumayo sa sarili niyang paa upang panindigan ang mga pagpapasya niya.

Lagi na lang akong umiiwas... Lagi na lang akong tumatakas...

Lagi na lang akong umiiyak sa tuwing nahihirapan at nasasaktan ako. Lagi na lang luha ang isinasagot ko sa mga problema ko...

Oo, madalas nakikita ng mga tao ang ngiti sa mukha ko... Subalit, hindi nila napapansin ang mga luha at sakit sa likod ng mga halakhak ko...

(Shit! I hate being emo again!!!)

Darn it! I just can't help myself from bursting out and letting go of all these painful emotions welling up inside of me... The worst part is, I use my blog entries in order to unleash my hidden sentiments and agonies...

Oo, lahat tayo minsan sa buhay natin ay gustong maging baldado... Baldado upang magawa nating umasa sa ibang tao.. Umaasa na sana, ang mga taong iyon na lamang ang sumalo at dumanas sa lahat ng sakit na pinagdaraanan natin...

Aminin mo, hindi ba minsan, gusto mong sabihing, "Bakit nangyayari sa akin ito? Karapat-dapat ko bang danasin ang mga bagay na ito? Bakit hindi na lang napunta sa iba ang problema ko?"

At bilang pakunswelo sa sarili, sasabihin mo na lang, "Hindi ito ibibigay sa akin kung hindi ko kaya ito..."

Tama ba ang ganitong uri ng mentalidad sa mga problema mo?

Hindi ba pwedemg dumating ang oras na sumuko ka na at umatras sa laban para naman sa gayon ay tantanan ka na ng problema???

Baka naman kapag umiwas ka at magtago ay magsawa na ang problema mo sa'yo... Baka naman kapag nakita ng Diyos na hindi mo na kaya ay itigil niya na ang pagpapahirap sa'yo...

Naisip mo na ba ang bagay na ito?Teka, sino ba ang gustong maging baldado? Sino ba ang gusto nang sumuko sa buhay at umatras sa hamong ibinibigay nito?
Ikaw, gusto mo ba?

Ako, gusto ko ba?

Ang gaga ko talaga... Sometimes, I wish I was emotionally disabled... So that I would no longer feel pain and become numb to the sounds of my own misery...

--Raphaelle (I.N.J.)

Hay, minsan sa buhay, kinakailangan nating mamili... Sapagkat ito ang bagay na sumusukat hindi lamang sa ating katatagan kundi maging sa atin ding pagkatao... Mahirap para sa akin ang desisyong ito subalit, paninindigan ko.


Kanina lamang ang kumuha ako ng pagsusulit sa asignaturang Inhenyerong Ekonomiya. [Well, sadyaan daw bang babuyin ang translation ng Engineering Economy?] Pilitin ko mang arukin at analisahin ang mga tanong ay hindi ko makuha kahit na isang sagot.

Akala ko pa naman, dahil multiple choice iyon ay madali na...

As expected, wala akong nasagot kahit na isa...
Kaya ang inaasahan at talaga namang lalabas sa aking midterm exam ay...

ZERO!!! [Ala Sir Ybañez style ng pagsasalita!]

Akalain mo 'yun? Zero ang midterm exam ko???

At akalain mong magpopost ako ng ganito dito. [Oooops! Hindi ako nag-aambisyong gayahin ang nasimulan na ni G. Allego... (^-^) ]

Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Kesyo, marahil sinadya iyon ni Chorva para mahirapan kami at mapilitang mag-donate ng dugo. Kesyo ang bobo-bobo ko at ni hindi man lang ako nakapagpalabas kahit isang sagot...

Subalit ang lahat ng iyon ay haka-haka lamang... Wala ni isa ang katotohanan.

Masakit mang isipin, ang tuksong kanina pa tumutudyo sa akin na mag-donate ng dugo at ilagay ang pangalan ni chorva2 doon ay pilit naglilikot sa aking isip.

Noong mga nakaraang araw kasi, sinabi na ni Olay ang tungkol sa Bloodletting Activity na iyon at nagpapalista siya sa papel ng mga nilalang na interesadong magbigay ng dugo.

At iyon ay may kapalit...

10 points kada isang bag ng dugo sa Midterm exam pati na rin siguro sa quizzes namin...

Sa totoo lang, nabighani ako sa bagay na iyon dahil medyo nangangailangan na nga ako ng panghila sa kanya... Hindi ako gumawa ng 100 solved problems sa Elects2 at Elective1. Hindi rin ako nakapag-take ng kaisa-isang quiz namin sa Elective1 dahil sa na-late ako ng dating sa pag-aasikaso ng mga articles ko...

Subalit, sinabi ko pa rin sa sarili ko na kung sakaling tutulong man ako, iyon ay sa kadahilanang bukal sa loob ko ang pagtulong at hindi dahil naghihintay ako ng kapalit niyon...

Buo na ang pasya ko. Sabi ko, bahala nang magkaletse-letse dahil prinsipyo at pagkatao ko ang nakataya dito...

Eh, eto na nga. Dumating ang midterm sa EngEco. Inaasahan ko nang mahirap siya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit SOBRANG HIRAP niya!!!

Parang nananadya talaga! Bakit naman gano'n? 'Yung mga tanong doon ay hindi naman namin halos natalakay... Hindi k0 talaga maintindihan kung bakit...

Kanina nga, todo dasal ako kay Lord na sana 'wag niya akong pababayaan... Tinutukso din ako ng alalahaning napakalaking porsiyento ng midterm exam at kailangan ko nang panghatak para hindi ako bumagsak...

Bakit naman gano'n? Inisip ko na lang, "Sige, bahala na... Bagsak na kung bagsak... Pero hindi talaga ako pipirma na may nakalagay na pangalan ni Olay o chorva2 doon sa donor form...

Hindi talaga...

Prinsipyo at pagkatao ang dapat umiral...

Hay, buhay... Buntunghininga!

Eto na naman po ako... Matapos kong ipahayag ang aking taos- pusong paghanga sa isang nilalang na itatago ko na lamang sa pangalang Lullaby, narito na naman ako upang muling magpahayag nang isang 'di inaasahang pangyayari sa buhay ko... At sangkot ang nilalang na nabanggit ko...



Sinamahan ko lamang si Bill noon para magpapirma ng isang kasulatan sa kanyang guro. Patungo kami noon sa P.E. Center at abalang-abala sa pag-uusap ukol sa mga personal na bagay na sa tingin ko ay di na dapat pang mabanggit sa blog na ito...




Bigla na lamang, walang kaanu-ano at wala ring kaabug-abog ay nakasalubong namin ang isang di inaasahang tao...




Si Lullaby!




Kasalukuyan ko namang dala-dala sa aking mga bisig ang dalawa kong anak na si Kuki (Cookie) at Ginger.




Akalain mo ba namang sabihan ako ni Sir na...




"Mangkukulam ka ba???"



At ang reaksyon ko nama'y...




"???"




Mukha ba akong mangkukulam na nangungulam sa pamamagitan ng mga manika? Hello! Ang cute-cute kaya ng mga anak ko para masabihang, "Ginagamit mo ba 'yan sa pangkukulam?"




Excuse me... Hindi pang voodoo ang mga manika ko...




Isa pa, masyado akong CUTE para maging isang mangkukulam...




Si Kuki at si Ginger ay hindi katulad ni Chelsea at lalo na ni Chaka doll...




Ayun...




The bottomline is...




Bakit n'ya sinabi iyon sa akin?




Natutuwa ba siya sa mga anak ko?




O natutuwa siya sa akin???




"???"

Hay, isang panibagong semestre na naman! Puno ng kasiyahan subalit puno rin ng problema... Sa totoo lang, isang subject lang naman ang talagang pinoproblema ko. 'Yun ay walang iba kundi ang [drum rolls]-- STRENGTH OF MATERIALS!!!

Sa totoo lang, high school pa lang ay wala na akong hilig sa asignaturang pisika... [Ayos! Filipinong- filipino!!!]
Ewan ko ba. Walang kwenta kasi ang mga naging teacher ko noong mga panahong iyon kaya hindi ko siya masyadong na-appreciate. Ewan ko rin ha kung talagang walang hilig sa akin ang asignaturang ito o talagang ayoko lang matuto... Ako kasi ang tipo ng tao na kapag gusto kong gawin ang isang bagay, kahit gaano pa kahirap 'yan, kakayanin ko. Tingnan mo na lang ang Voice at acads na pinagsasabay ko ngayon! Pero sa totoo rin lang, [Well, I am being redundant here.] first time kong ma-appreciate ang isang physics-related subject tulad ng Strength.

Oo, aaminin ko, mahirap na teacher si Lullaby...

Pero sa lahat ng naging teachers ko sa tanang buhay ko na nagturo sa akin ng ganitong klase ng asignatura, siya ang pinakaminahal at pinahalagahan ko.

Siguro, matapang at istrikto ang tingin ng karamihan ng populasyon ng TIP sa kanya [Isama mo na pati iyong mga nakaririnig lang ng mga kwento mula sa mga ALAWS (term ni Sir para sa mga walang utak or shall we say, tamad na estudyante? Hehehe.. Quotable quote from Sir uli!).

Pero eto ha, walang halong kaplastikan. Serbisyong totoo lamang!

Siya ang pinakaidolo kong prof. [Oy, nag-aambisyon ng palitan si Sir! Mwik!! Heheheh!!!]
Ewan ko ba pero ang tingin ko kay Lullaby ay isang institusyon, higit sa lahat, isang AMA.
Oo, tama ang nababasa mo...


Kasi, ramdam ko ang pagpapahalaga at pagmamahal n'ya sa mga estudyante.


Kahit pa sabihin mong halos every week, may assignment kayo.

Kahit pa sabihin n'yong isa siyang terror at duduguin ka sa mga exams na ibinibigay niya.

Mahal ko pa rin siya.

Sana, noon ko pa nakilala si Sir... Siguro, kung nangyari iyon, natutunan kong mahalin at pahalagahan ang asignaturang Pisika.

O hail, Lullaby!!!

[Kaso, may isa akong pangamba... Papasa kaya ako sa kanya???]

Well, that question remains to be answered...

And the answer, I know, must rely on me...

Mata Hari

Lovely enchantress, dance with me tonight,
with the moon and stars watching thy graceful flight.
Oh, mystical seductress, men swoon for thine eyes,
longing to own you even for just one night...
Listen, they promise eternal treasures
to imprison you in their arms.
Yet a stealthy glow was found in those mystic eyes.
Should you deceive or be of true-heart to him?
Their hearts become captives of your charms.



And the silence was broken,


The melody stopped all of a sudden...
Your feet entangled to the chains of fire!
They found you guilty of a heinous crime!
An innocent perpetrator held in a shameful trial,
A traitor to your country, a despicable spy!
You were destined to face such a fatal line,
Bullets cut through your skin, and your flesh stained with blood,
As the passion of men in guns put an end to your distress,


Lovely enchantress, as you breathe your last,

Now you are one with the stars...


The time has come for me to reveal myself, an intricate creation so-fashioned to fulfill a prophecy known only to me alone. Call it eccentric, even lunatic but I believe that every being has a purpose in this world... I am destined to find the meaning to my existence, the depth to my soul. I am my own creation. Love me or hate me, but the truth would still remain that I am no one but I alone... Love me or hate me, that is your prerogative. Call me idealistic but I would still be the person I ought to be...


Welcome to my world... An intricate tapestry of truth and twisted lies, it may seem to be, but this is reality to me. Dare to venture into my hidden thoughts and fantasies to discover a lovable or despicable being who is none but I...

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters

Mga Ka-Blogger