Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

It is better to slip with your foot than to slip with your tongue...


Kahapon na siguro ang pinakamasamang araw sa buhay ko...

May isang bagay akong nagawang bagama't alam kong mali ay nagawa ko pa rin...

Kung tutuusin, sinusundot pa nga rin ako ng konsensya ko hanggang ngayon, eh. Akala ko nga, hindi ako makakatulog kagabi...

Ganito kasi 'yon....

Defense namin kahapon kay Olay. Sa totoo lang, ilang araw na akong naaasar sa kanya dahil nga sa bukod sa isang linggo bago ang submission namin niya binigay ang project na iyon, hindi niya kami tinuruan ng maayos para naman sa gayon ay mapagana namin nang matiwasay ang nasabing proyektong itago na lang natin sa pangalang Chorva. Bahagi 'yan ng trabaho ng isang nag-aasam maging isang Electronics and Communications Engineer.

Ang siste, ilang araw na akong banas na banas dahil sunud-sunod na araw na kaming nagpupuyat at may pagkakataon pang hindi kami natulog para lang sa damuhong proyektong iyon na hindi naman namin alam ang patutunguhan at lalong hindi namin alam kung mapapagana ba namin para masabing karapat-dapat nga kaming maging Electronics Engineers...

Marso 12, 2008 - Ayun na! Sa wakas dumating din ang araw ng defense namin. Ang sabi niya, 3:30 p.m. daw ang simula ng defense at lahat kami ay dumating sa oras.

Kaya lang, nahuli pa rin kami ng umpisa dahil nga sa may isa pa siyang hawak na section ng Electronics II na kasalukuyan ding nagdedepensa ng mga sarili nila ng pagkakataong iyon.

Lumipas pa ang mga oras na naghintay kami...

May nagbaliw-baliwan, nagkulitan, asaran at sapakan na sa mga kaklase ko upang mapalipas ang pagkabagot na unti-unting lumalamon sa aming pagkatao... May iba pa ngang nagmistulang estatwa at monumento sa tagal nang pagkakatayo nila sa isang sulok.

Isipin mo ba naman, tama bang maghintay ka ng mahigit limang oras sa labas ng defense room at lamunin na ng large intestine mo ang small intestine mo sa sobrang gutom???

Lalo tuloy nag-igting ang inis na ilang araw na ring namumuo sa aking dibdib!

Sa wakas, matapos ang sampung taon, tinawag na rin kami ng lalaking itago na lang natin sa ngalang Olay...

Lima kami sa grupo. Nauna ang mga kasama ko. Huli akong natawag dahil alphabetically speaking, panghuli ang apelyido ko.

Nang nakaupo pa ako at nakikinig sa mga kagrupo ko, sinabi ko sa sarili kong, "Relax lang, brad... Magpakahinahon ka. Hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin sa'yo 'pag humulagpos ang galit mo."

Pero, iba ang nangyayari sa aktuwal na buhay.

Galit na galit ako at sumambulat sa kaawa-awang nilalang na nabanggit ko. [Teka nga, nakakaawa ba talaga siya???]

Sinagot ko siya sa tuwid na Ingles at pinagdiinan kong kailangan namin ng isang gurong magtuturo sa amin ng mga konsepto ng isang asignatura. Bagama't may libro na maaari mong pagsanggunian, hindi lahat nang nababasa mo ay kaya mong maintindihan dahil na rin sa 'technical terms' na nakasulat doon.

Sinabi niyang, "That is the purpose why I gave you that project." [Hindi siya magaling mag-Ingles. Halatado naman kasi hindi maganda ang kanyang diction at barok pa ang kanyang pronunciation! Isa pa, paulit-ulit lang ang mga tanong niya!!!]

Sabi ko, "That is not sufficient, Sir."

Tapos, medyo nahilo yata siya sa Ingles ko kaya naman nang magtuluy-tuloy ako ng pagsasalita, kinailangan niyang ipaulit sa akin ang mga sinabi ko dahil hindi niya maintindihan ang gusto kong iparating.

"What are those technical terms?" [Medyo nakakunot ang noo at baluktot pa ang dila niyang pagsabi dito. Nosebleed! In scientific terminology, this is also known as EPISTAXIS!]

"Sir, the h-parameter thing and that diode model concept which was written in the book."

"So, did you understand it?"

"No, Sir. That actually caused our difficulty in making the project," bato ko pa.

Ang sumunod na pangyayari, blangko. Katahimikan. [Hindi na yata niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nahihirapan maghanap ng English words! Bwahahahah!!!]

Tinanong ko naman siya nang may kinalaman sa iniisip kong naging dahilan nang kapalpakan ng project namin. Sa huli, nasagot niya ang tanong ko at sinabi kong, "Sir, I think that is what caused the malfunctioning of our project."

Sa wakas, natapos din kami. Ang resulta? 'Ayun... Bad trip!

Lumabas ako ng eskwelahan na banas na banas, nanginginig sa galit at gustong sumapak ng tao. Kasabay ko papunta sa sakayan ang isa sa mga kagrupo ko.

Sabi niya sa akin,"Che, hindi mo dapat ginawa iyon. 'Yun nga 'yung mismong gustong matutunan natin ni Sir, eh. 'Yung matutong mag-self -study at malaman ang kaibahan ng practical sa theory. Alam mo, sa ginawa mo, natapakan mo ang ego niya."

Matagal ko nang alam iyon. Pero sa isip-isip ko, kahit na magawa niyang ituro sa amin iyon, na iba ang matutuklasan mo sa totoong buhay, naiinis pa rin ako.

Matagal ko na nga kasing alam iyon. Ang punto ko, para kasi kaming mga sundalong pinasugod sa giyera nang walang dalang sandata. May dala man, depektibo naman.

Kung siguro tinuruan niya kami nang maayos, bagama't mahirapan kami, hindi kami literal na mangangapa sa kawalan para sa mga kasagutang ni hindi nga namin alam kung tama ba o mali, kung dapat gamitin o hindi ba dapat.

Sana, maintindihan niya na may basehan ang galit ko. Hindi ako basta-basta nagagalit ng walang rason.

At sa totoo lang, mahaba ang pasensya ko. Dapat nga ilagay siya sa Guiness Book of World Records dahil nagawa niyang putulin ito...

Pero, bagama't nasa tama ako, sa huli naisip kong may mali ako. Kahit pa nasa tamang paninindigan ako, hindi tamang sagut-sagutin ko siya dahil teacher pa rin siya. Mas matanda siya at kung tutuusin, mas maraming alam.

Kung hindi ko man siya magawang irespeto bilang isang guro, sana nagawa ko siyang irespeto bilang isang tao...

Napagpasyahan ko ring humingi ng dispensa sa kanya. Kasi nga, hindi tama ang ginawa ko.

Hindi ko na pwedeng mabawi ang nasabi ko na... Pero, pwede kong ipakitang handa akong tumanggap ng pagkakamali...

That, I think is the true measure of maturity...

3 comments:

may point yung klasmyet mo tria este rubio.. kasi harapan ba naman yung ginawa mo db.. pero hindi din kita masi3 kasi magulo utak mo nun eh pero better kung mag-apologize ka din sa kanya personally..

nakow! ang hirap pla ng ECE ah!
ECE kasi ako eh freshie pa nga lang!

Grabe ang tapang mo!

OO NGA... Nag-apologize kaya ako kay sir...

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters