Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

(Writer's note: All of these poems were made last Sept. 2, 2010, in front of the school canteen in TIP Arlegui, Manila while studying for that dreaded subject known as 'Special Topics.' At least, my efforts did not become futile. I survived Topics. Hooray!)

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nagbabadya ang kalawakan,
nagsasalimbayan sa kawalan.
pira-pirasong alaala ng nakaraan,
nagsisilbing tila mumo ng bubog.
sa mundong 'di tumitigil sa pag-inog.

Samahan mo ako,
tuklasin ang lihim ng mundo.
Kung ang luha ay gamot
na hihilom sa lungkot,
ikaw nga ba'y isang sugat na 'di malilimot?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

PUTI

Ito ay kadalisayan,
kabusilakan ng pusong sugatan,
dungisan mo at bahiran,
at agad na magmamarka.

Pula ang kulay ng dugo,
bahiran mo itong puting mundo,
hayaang ang bawat patay ay dungisan,
nang ang nabahirang kaluluwa ay muling malinisan.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pakikipag-usap sa Kawalan

Kilala mo ba ako?
Ako ang iyong anino.
Tingnan mo't susunod ako sa iyo,
sa bawat hakbang, pagkilos at pag-ikot mo.
Kaya kong tumalon, lumundag at magtago,
ngunit 'di ko kayang lumuha para sa iyo...

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Mali ka, kaibigan,
kung iniisip mong,
ang pagsusulat ay tuluyang nilimot.

Ang tinapay, 'pag iniwan,
tiyak na nilulumot.
Ngunit 'di ang isip kong,
walang tigil sa paglikot.

Oo nga't kung masda'y
'di naman gumagalaw,
liban lang sa mga kamay,
kumukurbang walang humpay!

Tahimik ma't walang ituran,
ang tinig ko'y umaalingawngaw,
sa malinis na baybayin ,
nitong aking sulatan.

'Di mo lang napapansin,
ang layo't lawak ng lakbayin.
Moog mang ituri'y,
nakalalakad pa rin.
Ang isip ko'y may pakpak,
inaabot ang alapaap.
At sa katahimikan ng mga ulap,
doo'y sasaglit, mangangarap.

Ang mangangatha'y mapapagal,
saglit na mamamahinga,
ngunit pumikit man ang mata,
tatanawin rin ang kalawakan.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



(All poems are strictly for the editor's use only.To my fellow writers, work on your own craft. Please exercise your intellect and observe the Intellectual Property Right.)


                                                                 -- RAPHAELLE (i.n.j.)



(Nakakatawa man, pero ganito talaga ako magpalipas ng oras. Kapag nakita mo akong umupo sa isang sulok, nakatulala, tahimik at hindi umiimik, beware! Bawal akong istorbohin. Kasi, sa panahong iyon, isa na namang panibagong ideya para sa isang tula o kwento ang pumasok sa isip ko. 

Ayoko ng istorbo kapag nagsusulat ako, so back off! Haha! Enjoy!

At bilang pruweba na nag-aaral nga ako ng mga oras na ito, katunayan, nakasulat sa likod ng Chemistry reviewer ko 'yung apat na tula ko. Nauta lang ako sa kababasa ng molecular weight, atomic weight, chu chu at problem solving ng formula mass at balancing chemical equations.

Kaya para hindi ako masyadong ma-pressure, binaba ko muna 'yung periodic table ko at tumunganga. Tapos, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagsusulat. Haha!
Siya nga pala, kung itatanong mo sa akin 'yung naging resulta ng exam ko noong araw na iyon, so far, so good. Kaya nga ako pumasa ng Topics eh. Hehe. And after a few days from now, at last, my graduation rites will come. 

CONGRATULATIONS BATCH 2011!!!!)












                                                                                                                                           Marso 19, 2011
Muling mananatali sa pamilyar na sulok,
Sa pamilyar na espasyong ibig na maluklok.
Kung saan payapang magsasalimbayan ang mga alon,
At kusang yayakap sa mga ulap ang mga ibon.

Sabay sa saliw ng mga dahong sumasayaw sa hangin,
Unti-unting ibubulong ang mga alaala’t damdamin.
Nilumot ma’t naluoy mananatili pa rin,
Ang katapata’t kadalisayan nitong dalangin.

Saan nga ba dadalhin ng nakaraan?
Bumubulong sa hangin at sa kawalan.
Ibig kong makasama ang mga alaala,
Sa kabila ng pangungulila’t pag-iisa.

Tanda ko pa ang sulok kung saan ka nakita,
Kung sa’n huling nasilayan ang ngiti sa’yong mukha.
Tila ba ika’y anghel na mamamaalam na,
Kakampay ang mga pakpak tungo sa Ama.

Sana ay sinabi mong ito na ang huli,
Baka sakaling nagmadali’t sa’yo’y sinabi,
“Hintay lang, ‘wag ka namang magmadali,”
“Atin ang oras na ito, dito ka sa ‘king tabi.”

Ngunit huli na, ‘pagkat ikaw ma’y ‘di wari,
Ito na ang huli, ang huli mong ngiti.
Sa mga akda ka na lamang makakasama,
Sa piling ng mga tula tahimik na luluha…

-- Raphaelle (I. N. J.)

( Haven't listened to my muse's song for a long time. I guess, I never really had the time to write down my thoughts on a piece of paper like I always did. But just for a change, I want the letters and I to become one. A writer never ceases to continue pursuing his craft.

Though, one might have chosen a different path, the muse will continue calling for the writer to come back.

This time, I know, the letters and I are intertwined, like two souls interconnected for the rest of time. I long to be one with the letters, capture her every scent and memoir. I long to listen to my hidden thoughts, repressed angry, suppressed tears.

This is I, the writer, the artist, crafting yet another romance with the pen and the paper. I guess, I will never have that special someone. This is the tragic fate of the writer -- longing for a romance that can never be owned, not then, not now, even for an eternity.

So then, let me be buried with my own letters and make a romance out of them. Because I know this is the closest link I have to you.

In pace requiescat.

I offer this art to you -- my dream and my muse.)

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters