Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.

Hay, buhay... Buntunghininga!

Eto na naman po ako... Matapos kong ipahayag ang aking taos- pusong paghanga sa isang nilalang na itatago ko na lamang sa pangalang Lullaby, narito na naman ako upang muling magpahayag nang isang 'di inaasahang pangyayari sa buhay ko... At sangkot ang nilalang na nabanggit ko...



Sinamahan ko lamang si Bill noon para magpapirma ng isang kasulatan sa kanyang guro. Patungo kami noon sa P.E. Center at abalang-abala sa pag-uusap ukol sa mga personal na bagay na sa tingin ko ay di na dapat pang mabanggit sa blog na ito...




Bigla na lamang, walang kaanu-ano at wala ring kaabug-abog ay nakasalubong namin ang isang di inaasahang tao...




Si Lullaby!




Kasalukuyan ko namang dala-dala sa aking mga bisig ang dalawa kong anak na si Kuki (Cookie) at Ginger.




Akalain mo ba namang sabihan ako ni Sir na...




"Mangkukulam ka ba???"



At ang reaksyon ko nama'y...




"???"




Mukha ba akong mangkukulam na nangungulam sa pamamagitan ng mga manika? Hello! Ang cute-cute kaya ng mga anak ko para masabihang, "Ginagamit mo ba 'yan sa pangkukulam?"




Excuse me... Hindi pang voodoo ang mga manika ko...




Isa pa, masyado akong CUTE para maging isang mangkukulam...




Si Kuki at si Ginger ay hindi katulad ni Chelsea at lalo na ni Chaka doll...




Ayun...




The bottomline is...




Bakit n'ya sinabi iyon sa akin?




Natutuwa ba siya sa mga anak ko?




O natutuwa siya sa akin???




"???"

Hay, isang panibagong semestre na naman! Puno ng kasiyahan subalit puno rin ng problema... Sa totoo lang, isang subject lang naman ang talagang pinoproblema ko. 'Yun ay walang iba kundi ang [drum rolls]-- STRENGTH OF MATERIALS!!!

Sa totoo lang, high school pa lang ay wala na akong hilig sa asignaturang pisika... [Ayos! Filipinong- filipino!!!]
Ewan ko ba. Walang kwenta kasi ang mga naging teacher ko noong mga panahong iyon kaya hindi ko siya masyadong na-appreciate. Ewan ko rin ha kung talagang walang hilig sa akin ang asignaturang ito o talagang ayoko lang matuto... Ako kasi ang tipo ng tao na kapag gusto kong gawin ang isang bagay, kahit gaano pa kahirap 'yan, kakayanin ko. Tingnan mo na lang ang Voice at acads na pinagsasabay ko ngayon! Pero sa totoo rin lang, [Well, I am being redundant here.] first time kong ma-appreciate ang isang physics-related subject tulad ng Strength.

Oo, aaminin ko, mahirap na teacher si Lullaby...

Pero sa lahat ng naging teachers ko sa tanang buhay ko na nagturo sa akin ng ganitong klase ng asignatura, siya ang pinakaminahal at pinahalagahan ko.

Siguro, matapang at istrikto ang tingin ng karamihan ng populasyon ng TIP sa kanya [Isama mo na pati iyong mga nakaririnig lang ng mga kwento mula sa mga ALAWS (term ni Sir para sa mga walang utak or shall we say, tamad na estudyante? Hehehe.. Quotable quote from Sir uli!).

Pero eto ha, walang halong kaplastikan. Serbisyong totoo lamang!

Siya ang pinakaidolo kong prof. [Oy, nag-aambisyon ng palitan si Sir! Mwik!! Heheheh!!!]
Ewan ko ba pero ang tingin ko kay Lullaby ay isang institusyon, higit sa lahat, isang AMA.
Oo, tama ang nababasa mo...


Kasi, ramdam ko ang pagpapahalaga at pagmamahal n'ya sa mga estudyante.


Kahit pa sabihin mong halos every week, may assignment kayo.

Kahit pa sabihin n'yong isa siyang terror at duduguin ka sa mga exams na ibinibigay niya.

Mahal ko pa rin siya.

Sana, noon ko pa nakilala si Sir... Siguro, kung nangyari iyon, natutunan kong mahalin at pahalagahan ang asignaturang Pisika.

O hail, Lullaby!!!

[Kaso, may isa akong pangamba... Papasa kaya ako sa kanya???]

Well, that question remains to be answered...

And the answer, I know, must rely on me...

Mata Hari

Lovely enchantress, dance with me tonight,
with the moon and stars watching thy graceful flight.
Oh, mystical seductress, men swoon for thine eyes,
longing to own you even for just one night...
Listen, they promise eternal treasures
to imprison you in their arms.
Yet a stealthy glow was found in those mystic eyes.
Should you deceive or be of true-heart to him?
Their hearts become captives of your charms.



And the silence was broken,


The melody stopped all of a sudden...
Your feet entangled to the chains of fire!
They found you guilty of a heinous crime!
An innocent perpetrator held in a shameful trial,
A traitor to your country, a despicable spy!
You were destined to face such a fatal line,
Bullets cut through your skin, and your flesh stained with blood,
As the passion of men in guns put an end to your distress,


Lovely enchantress, as you breathe your last,

Now you are one with the stars...


The time has come for me to reveal myself, an intricate creation so-fashioned to fulfill a prophecy known only to me alone. Call it eccentric, even lunatic but I believe that every being has a purpose in this world... I am destined to find the meaning to my existence, the depth to my soul. I am my own creation. Love me or hate me, but the truth would still remain that I am no one but I alone... Love me or hate me, that is your prerogative. Call me idealistic but I would still be the person I ought to be...


Welcome to my world... An intricate tapestry of truth and twisted lies, it may seem to be, but this is reality to me. Dare to venture into my hidden thoughts and fantasies to discover a lovable or despicable being who is none but I...

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters