Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.




June 27, 2009

(Ang likha kong ito ay para sa pinakagwapo, pinakamabait at pinakamaalalahanin kong anghel na kasalukuyang ipinagdiriwang ang sana'y ika-21 niyang kaarawan ngayon. Kung nasaan ka man ngayon, tandaan mong mahal kita...)

"There's never a wish better than this,
When you only got 100 years to live."


Hindi na mahalaga ang oras para sa akin ngayon. Basta ang alam ko, humihinga ako, nakalalakad at tumitibok ang puso hindi para sa kaninuman -- maliban sa sarili ko. Napapagod na ako.

Bagama't pinipilit kong pagalin ang sarili ko sa pagganap sa mga responsibilidad ko, dumarating ang mga oras na inaakala ko sanang madalian kong paghimlay tungo sa mundo ng panaginip ay nahahalinhan ng ilang minuto nang pagluha.

Hindi kita makalimutan. Oo, alam kong apat na buwan at dalawampu't tatlong araw na ang lumilipas simula nang mawala ka. At marahil, kung nagawan kong malaman ang eksaktong oras kung kailan mo kami iniwan, pati iyon ay isasama ko sa pagbibilang. Apat na buwan at dalawampu't tatlong araw -- ganito katagal na palang nalulunod ang puso ko sa kalungkutan.
Tinutupad ko ang mga ipinangako ko. At isa lang ang tinitiyak ko sa'yo -- hindi ko ito ginagawa dahil sa napipilitan ako. Ginagawa ko ito dahil gusto ko at ginagampanan ko ang aking tungkulin nang may buong pagmamahal, pag-iingat at pagpapahalaga. Marahil, nagsisilbi kang inspirasyon upang mas pagbutihin ko ang aking tungkulin. Ngunit, kung narito ka lang sana sa tabi ko, marahil, magagawa mo akong gabayan at tulungan lalo na sa mga panahong nagkakaroon ako nang pag-aalinlangan at pangamba.

Nanganga pa ako. Alam kong baguhan lamang ako, subalit, nais kong ibigay ang isandaan, hindi, dalawang daan g porsyento ng aking sarili upang hubugin sila. amraming bagay ang nagbago simula nang mawala ka. Ngayon, natagpuan ko ang sarili ko sa pagitan ng mga alalala ng nakaraan at kasalukuyan. Natatakot akong humakbang pasulong pa... Ayokong kalimutan ka.

Minsan, iniisip kong baka nagpapahiwatig na ang Diyos na malapit na tayong magkasama. Minsan, kahit ako ay nahuhuli ko ang sarili kong parang nagpapaalam sa iba. Kanina nga lang, niloko ako ni Mama na patay na raw ako nang sinusubukan kong matulog. Paano kung isang araw, matulog ako at hindi na magising pa?

Ano ba ang naramdaman mo sa biglaan mong pagkawala? Natakot ka ba? Umiyak ka ba? Nasaktan ka ba?

Ayokong makita ang reaksyon mo nang makita mo kaming umiiyak para sa'yo. Kung pwede sana kapag naulit sa akin ang nangyari sa'yo, gugustuhin kong dagliang mabura ang alaala ko. Ayokong ako ang maging dahilan ng luha at sakit na mararamdaman ng mga mahala ko.

Malapit na ba? Sa totoo lang, wala talaga akong ideya. Basta ang alam ko, sa mga oras na inaakala kong huling hininga ko na, magigising akong muli sa isa pang panibagong araw.

Maligayang kaarawan sa'yo. Patawarin mo ako kung hindi kita nagawang dalawin ngayon...

(Raphaelle I. N. J.)

May 15, 2009

Love is a salve as the summer breeze,
gently cooling, softly whispers to ease.
A moment's battle, an hour's struggle,
All vanish in a mother's cuddle.

I hear mother's whisper caressing me tender,
The warmth in her bosom providing shelter.
Lull me to slumber, hold me forever,
In a world of deception, confusion and terror.

-- Minsan, dumarating sa buhay natin ang mga panahong sana ay maaari pa tayong bumalik sa sinapupunan ng ating ina. Sa kanyang sinapupunan, mararamdaman natin ang pagkalinga at proteksyong walang kasing init at hindi napaparam.

Kung sana, pwede lang tayong maging mga sanggol habambuhay... Ngunit, kung mangyayari iyon, sino naman ang mag-aalaga sa ating magulang kapag sila ay tumanda? Pipiliin ba nating maging palaasa at humihingi ng tulong sa iba? Hindi ba sila magsasawang alagaan tayo habambuhay?

Dapat matuto rin tayong tanggapin ang mga pagbabago. Kaya nga tumatanda ang tao. Kaya nga nagkakaisip at gumagawa ng mga sariling desisyon.

Ayokong umasa habambuhay sa mga magulang ko.

(Binuo noong Mayo 15, 2009 habang tahimik na nakaupo malapit sa labasan ng eskwelahan. Kasalukuyan namin noong hinihintay ang pagdating ng isa naming opisyal bilang pagtupad sa obligasyon namin sa publikasyon.)



A soft breeze blows through the trees,
As they silently witness my flowing tears.
When all of a sudden, tiny creatures with wings,
Caught my eyes as they move in such magical gleam.

I heard Mama's voice softly calling my name,
Such gentleness slowly healing this immense pain.
"Child, listen. Fireflies are the closest resemblance to the stars,
Hold them closely and they'll give such glow and warmth.
For spirits, like stars, watch over us every night,
Seeing them needed not the eyes but the heart."

I felt the cool touch of the wind on my skin caressing light,
Mother, is that you hugging me tight?

--Children are the best inspiration I have for making literary works. Nagkataon lang na isang araw, habang nagmumuni-muni, naramdaman ko ang hinagpis ng isang batang nawalan ng ina. At naidugtong ko ito sa isang senaryo kung saan nasa isang malawak na parang ang bata isang gabi at nanunuod ng mga alitaptap.

Matagal ko ng gustong makakita ng mga alitaptap. Sana, makakita rin ako nun... Kahit minsan lang. =)

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters