Ponderings and Musings

Small stories. Simple lives. A lone man's journey.




Kanina, matapos ang isang oras nang nakaaantok kong klase sa kabila, bumalik ako sa aming luklukan upang mag-aral para sa pagsusulit ko bukas. (Nosebleed!) Hahaha!

Wala akong balak mag-senti pero ganun ang nangyari.

Habang kasalukuyan kong binabagtas ang daan patungo sa opisina, napasulyap ako sa kalangitan. Napansin ko ang dalawang bagay -- ang buwan at isang bituing tila nagmamasid sa kagandahan nito.

Hinihiram lamang ng buwan ang kanyang liwanag sa araw. Samantalang, ang bituin ay kayang magbigay-liwanag sa sariling pamamaraan nito.

Umiikot ang buwan sa mundo habang ang bituin nama'y umiikot sa walang partikular na patutunguhan. Palibot-libot lamang ito sa kawalan, sa paraang gusto nito nang walang inaalalang anumang bagay...

Napaisip tuloy ako. Tayong dalawa, parang tayong dalawa ang buwan at bituin.

Ikaw, nabubuhay ngayon dito sa mundo sa pamamagitan nang paghiram sa mga alaala ko. Ang bawat paghinga, pagtawa, pagkilos at buntunghininga -- tandang-tanda ko pa ang lahat ng mga iyon. At sa tuwing maaalala ko ang mga bagay na iyon, hindi ko mapigilan ang pagguhit ng sakit sa puso ko.

Oo, siguro nga, dapat nakalimot na ako. Pero, paano ko gagawin iyon kung lahat ng bagay at taong nakapaligid sa akin ay walang ginawa kundi ipaalala ka? Naalala kita sa bawat araw at buwang lumilipas sa buhay ko... At kahit pinipilit ko ang sarili kong manatiling manhid at walang pakiramdam sa mga pagkakataong bumabalik ka sa isip ko, hindi pa rin ako nagtatagumpay.

May mga araw na hinihiling kong sana, magkaroon na lang ako ng amnesia. It was said that there are only two things that can erase memories -- AMNESIA and DEATH.

And I know that I still have a long life ahead of me. I do not wish to live each second in misery and agony.

Sawang-sawa na akong umiyak. Subalit, ano ang magagawa ko kung iyon ang pinakamabisang lunas sa sakit na nararamdaman ko ngayon? May maibibigay ka bang gamot para maibsan ang lungkot ko dahil nahihirapan akong mabuhay nang wala ka?

Bakit mo ako iniwan? Alam kong isa akong bituing magagawang manatili sa mundo kahit wala ka. Hindi ko kailangan nang kahit sinumang masasandigan upang magpatuloy at maging masaya.

Pero, alam ko sa puso kong kasinungalingan iyon.

Dahil, kailangan kita.

AT ISANG KASINUNGALINGAN ANG BUHAY KO NGAYON DAHIL WALA KA NA.

Alam kong ayaw mong nalulungkot ang mga tao sa paligid mo. A yaw mong may umiiyak. Ayaw mong may nagdurusa.

Pero, masisisi mo ba ako kung kasalukuyan akong nahihirapang ipagpatuloy ang buhay ko dahil wala ka?

Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi ko kailangan ang kahit sinuman para mabuhay. Hindi ako aasa sa kahit sinuman para maging masaya.

Pero, binali mong lahat ang plano ko. Sinira mo ang mga bagay na matagal ko nang sinusunod at binibigyang-pansin.

Asan ka na ba? Naririnig mo ba ang mga dasal ko riyan sa langit?

Lord, please. Pakisabi sa kanyang mahal na mahal ko siya.

Bigyan mo po ako ng lakas na mabuhay kahit na wala na siya...


4 comments:

ay, anong nangyari sa kanya?

kung may mensahe kang gusto mong ipaabot sa langit:
- sulat mo sa lobo tapos pakawalan mo.. or
- sulat mo sa papel, tapos sunugin mo ung sulat mo. ang mga usok na ang bahalang magdala ng mensahe mo...

yan kasi paraan ko para ipaalam/magbalita sa importanteng taong andun na ngayon.. :)

@ Raye : totoo ba yun ?

subok lang wala namang mawawala..mahirap kasi kung di mo subukan..may pagsisisi sa sarili..may pagtatanong..ano kaya kung sinubukan ko..ano kaya ang nangyari..do it anuman ang nais mong gawin..

awwwwwwww.. sweet :[[

makakalimutan mo din siya ate che.

hindi ka nabubuhay para sa ibang tao :)

mahirap, OO. Pero ganun talaga. Minsan sa buhay ng tao, may mga bagay na masakit pero kailangang tanggapin.

Marami pang taong nakahandang magbigay sayo ng pagmamahal.

Hindi man naging matagal ang existence niya sa mundo, may purpose naman yon. At alam naming lahat na marami ka ding natutunan sa kanya.

Hindi ko man siya naabutan sa office, nararamdaman kong naging malaki talaga ang kontibusyon niya sa buhay mo.

Move on, Move forward.

(komento ng batang nadaan sa blog mo)

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ MAHILIG SA DUGO

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Proud to be One!

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters