Personal ANNecdotes

Personal ANNecdotes - Creative Non-Fiction - My Personal Blackhole.



Idiosyncrasy -- a word used to describe an odd behavior or habit done by a person.


Una kong nakita ang salitang ito sa isang libro sinasagutan ko noong elementary pa lang ako (if I'm not mistaken, Grade 4 yata).

Isa sa mga idiosyncrasy ko simula pa noong bata ako ay ang palagiang pagbibitbit ng bag saanman ako pumunta. Madalas nga akong sitahin ng Mama ko dahil dahil daw para akong abnormal na laging may dalang bag kahit hindi naman papasok sa eskwelahan.

Sabi niya, ugaling matanda raw ang pinaiiral ko. Mahilig sa bagahe, pagtatabi ng mga abubot at mga bagay-bagay na ipinapalagay niyang 'basura.'

Marahil, sa mura kong edad, nagawa ko nang malaman kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Gusto kong maging isang manlalakbay. Gusto kong makarating sa malayong mga lugar na tanging sa imahinasyon ko lamang maaabot.

Hindi magawang maintindihan ng Mama ko kung ano'ng klaseng ugali ba ang mayroon ako at kung ano ba ang mga dahilan ko sa paggawa ng iba't ibang bagay sa mundo.

Subalit ngayong unti-unti ko nang binabasag ang aking katahimikan, nagagawa niya nang maunawaan ang daan-daang nakatagong sakit sa aking puso at isipan.

(Masyado na 'ata akong nalalayo sa paksa ko.)

Mahilig akong lumibot sa bawat sulok ng aming bahay. Sa katunayan, nahihilo na nga ang mga magulang at kapatid ko sa kaiikot ko. Dinadaan-daanan ko sila na para bang walang ibang tao sa bahay namin kundi ako lang.

Naiinis din si Mama kapag ginagawa ko 'yun. Para raw akong siraulong ikot ng ikot at lakad ng lakad na wala namang patutunguhan.

Subalit, lingid sa kanyang kaalaman, maraming lugar na akong napupuntahan sa ginagawa kong paglilibot. Umaabot ako sa Parthenon, Europe, Greece, at ilang probinsya sa Pilipinas nang hindi nila namamalayan.

Ang paggamit ng imahinasyon ang tanging gamot ko upang makatakas sa kalungkutan ng aking mundo. At bagama't nais ko sanang may makausap upang matulungan akong tumakas sa bilangguan ng hinagpis, wala akong makitang taong mapagkakatiwalaan nang itinatagong sakit ng aking puso.

Akala ng marami, masaya ang aking kabataan. Madalas akong tumawa. Ngunit, sa likod ng matitinis kong halakhak, ay isang pusong lumuluha at humihiling na sana, sa paglalakbay ko sa ibang sulok ng mundo, matatagpuan ko ang isang taong tulad kong nahihirapan at nagdurusa...

Sana, matagpuan ko ang isang kaluluwang handang iabot ang kanyang kamay upang ilayo ako sa mapanglaw at mapanlinlang na mundong ito.


Sana, hindi ko kinakailangang itago ang laman ng puso ko at magpanggap na matatag sa kabila ng katotohanang nais nang bumigay ng pagkatao ko.


Hindi ako malakas. Hindi rin ako matatag.

Lalo na kung ang pinag-uusapan ay walang iba kundi -- IKAW.

One lonely soul. Naaalala kong minsan, isang gabi, hindi ako makatulog at pinili ko na lamang magsulat upang maibsan ang kalungkutang nadarama ko. Sa isang sulok ng madilim kong kwarto, naglalakbay ang aking diwa sa isang malayong pook; isang lugar kung saan makatatagpo ako ng isang kaluluwang tulad kong nalulunod sa kalungkutan.

Gusto kong tumungo sa lugar na iyon upang kahit papaano'y mabawasan ang bilang ng mga taong tumatangis at nahihirapan ng tahimik. Bilang isang taong dumaraan sa ganoong uri ng sakit, alam kong hindi madaling dalhin ang isang bagay nang nag-iisa. Kailangan natin ng kasama.

My idiosyncrasy seemed to be the only way for me to escape this precarious and pretentious world.

Many people would reach out their hand to you and try to comfort you. Some would even profess their love for you or even promise an eternity with you.

But then, promises, often, are meant to be broken.

And not ALL  people who tell you they LOVE YOU truly mean it.

I have met many people who promised to be with me to love me. I have met some who have said they value my friendship and time. But most of these people tend to stay by my side because they can benefit from me.

Kailan kaya ako makararating sa pinapangarap kong sulok ng mundong iyon? Kailan kaya ako makararating doon upang mahanap ka?

I hope, it doesn't have to take a lifetime to search for you.




10 comments:

base muna teka.

parekoy, libre lang mangarap ika nga.

Mararating mo din yung mga nais mong marating.

Huwag mo sanang pangaraping na may mag abot agad ng kamay.

may mga misyon ka pa sa mundo, gusto mo bang iwanan yung taong nakalaan sa'yo.. kawawa naman yung destiny mo kung pipilitin mo agad umakyat doon.

tungak naman 'to tsk tsk.. may mga bagay talaga na minsan, yung inaakla mong makakaintindi sa'yo sila pa pala yung di makakaintindi sa'yo.

sabi ko nga, dadating din yung taong makakaintindi sa'yo, kung sino ka, ano ang katangian mo o kung ano ang tunay mong dinadala.

Wag kang mawalan ng pag-asa, lakarin mo lang pangarap mo wag kang tatakbo hanggat maaari, dahil pag nadapa ka at magkasugat ng malalim mas masakit, mas matagal ang pag hilom..

easy ka lang parekoy..

enjoy your life :)

parekoy, libre lang mangarap ika nga.

Mararating mo din yung mga nais mong marating.

Huwag mo sanang pangaraping na may mag abot agad ng kamay.

may mga misyon ka pa sa mundo, gusto mo bang iwanan yung taong nakalaan sa'yo.. kawawa naman yung destiny mo kung pipilitin mo agad umakyat doon.

tungak naman 'to tsk tsk.. may mga bagay talaga na minsan, yung inaakla mong makakaintindi sa'yo sila pa pala yung di makakaintindi sa'yo.

sabi ko nga, dadating din yung taong makakaintindi sa'yo, kung sino ka, ano ang katangian mo o kung ano ang tunay mong dinadala.

Wag kang mawalan ng pag-asa, lakarin mo lang pangarap mo wag kang tatakbo hanggat maaari, dahil pag nadapa ka at magkasugat ng malalim mas masakit, mas matagal ang pag hilom..

easy ka lang parekoy..

enjoy your life :)

mahaba pa lalakbayin mo. wag ka muna mawawalan ng pag-asa.. lahat ng hinahanap mo, darating yan.. in time. :)

i like this post. very deep, very honest.

But then, promises, often, are meant to be broken. >> the mother of all cliches.yeah, this always happens. though it's hard to accept it, love sometimes become an excuse for people to get laid.

I have met many people who promised to be with me to love me. I have met some who have said they value my friendship and time. But most of these people tend out to stay by my side because they can benefit from me >> and lemme add, some of these people i consider friends even left me without a glance.

you have a nice blog.cheers. :p

dumaan lang para magparamdam at maghanap ng bago. :p

idiosyncrasies, i have lotsa heard and read this word.

the pursuit of a magical place and a destined person for oneself is a risk. risking everything you could have--dream, money, power, and whatnots. but what are those if i am not effin' happy.. and if there is no one to share my nirvana.

probably risking your life just to find things you are searching for is worth it. worth it enough that you could journey your life with a bag on your shoulder and someone who'll accompany you throughout that magical place.

**dapat pala sinali ka nila sa tagging ng laman ng bag! hehe.

idiosyncrasies:

gusto ni Aling Dionisya pag nagka-anak si Manny at Jinky dapat daw kasama yung pangalan niya sa ipapangalan sa bata..

"Diomanji", yun daw pangalan ng bata..

Dionesya = "Dio"
Manny = "man"
Jinki = "ji"

wala lang na share ko lang.. =)

This comment has been removed by the author.

hi there!

naapektuhan ng ovulation ko ang utak ko kaya naman habang namamasyal ako sa ibat ibang blogsite napahinto ako dito...

sa iyong mundo.

(pagpasensyahan mo na lang sana ang flow of thoughts ko. Magulo. Ganoon talaga) =)

anyway,

maglakbay ka pa ng malayo... abutin mo ang mga lugar na higit pa sa matatanaw ng iyong mga mata at maaabot ng iyong mga kamay.

ang kalungkutan, kabiguan talagang nariyan yan... kung comment ngalang yan sa facebook matagal ko ng dinelete 'yan- kontrabida kasi. =)

pero di naman ibig sabihin nun hindi ka na magiging masaya.. minsan kasi ang kapayapaan na madarama mo mula sa puso mo sapat na para magpangiti sa'yo.

minsan, hindi yan magmumula sa ibang tao, sa mga mukhang nakapaligid sa iyo.. minsan sa'yo lang talaga mag-uumpisa.


(at iyon na nga related ba ang pinagsasabi ko?? hindi ko rin alam.)

pero para sa akin idiosyncrasy
also mean as a trait that distinguish you from the rest. ^^.

at mula ngayon pag may nakita akong batang may bag na bitbit kahit san, chances are i would recall

you =0

aun lang.

About Me

My photo
++ literary emo ++ lover of Apollo ++ MISANTHROPIST ++ certified INTROVERT! ++ writer ++ lover of letters ++ lunatic ++ descendant of Thanatos ++ rival of Nyx ++ archenemy of Hypnos ++ reader between the lines ++ fantasizes of visiting the Louvre Museum someday ++ wishes to defeat Marco Polo's record on circumnavigation ++ daydream traveler ++ gothic muse ++ dark angel ++ mental succubus ++ walang pakialam sa mundo (maliban sa mga taong importante sa akin)++ HATER OF PRETENSION ++ artistic ++ autistic ++ may sariling mundo ++ creator of her universe ++ loyal

On Raphaelle's Wings

RAPHAEL is one of the seven guardian angels who protect mankind and follow God's plans.

While some people believe that he was the angel meant to give luck to cockfighters and betters, Raphael was actually there to guide and heal the brokenhearted.

Thus, Raphael meant "God heals."


This is my corner amongst the sea of many identities and characters.

This blog contains the many thoughts, questions and ponderings that my mind held for so long.

So, sit back, relax and prepare to take a flight.

Let Raphaelle's (my female persona) wings take you on a journey beyond compare, to a faraway land you sought to conquer, touch, see and hold.

Chinggayan Corner!

Lovers of the Misanthropist

Search This Blog

Venerators of the Fallen

Come One, Come All! Hear Ye, Hear Ye!!!

free counters