Idiosyncrasy -- a word used to describe an odd behavior or habit done by a person.
Una kong nakita ang salitang ito sa isang libro sinasagutan ko noong elementary pa lang ako (if I'm not mistaken, Grade 4 yata).
Isa sa mga idiosyncrasy ko simula pa noong bata ako ay ang palagiang pagbibitbit ng bag saanman ako pumunta. Madalas nga akong sitahin ng Mama ko dahil dahil daw para akong abnormal na laging may dalang bag kahit hindi naman papasok sa eskwelahan.
Sabi niya, ugaling matanda raw ang pinaiiral ko. Mahilig sa bagahe, pagtatabi ng mga abubot at mga bagay-bagay na ipinapalagay niyang 'basura.'
Marahil, sa mura kong edad, nagawa ko nang malaman kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Gusto kong maging isang manlalakbay. Gusto kong makarating sa malayong mga lugar na tanging sa imahinasyon ko lamang maaabot.
Hindi magawang maintindihan ng Mama ko kung ano'ng klaseng ugali ba ang mayroon ako at kung ano ba ang mga dahilan ko sa paggawa ng iba't ibang bagay sa mundo.
Subalit ngayong unti-unti ko nang binabasag ang aking katahimikan, nagagawa niya nang maunawaan ang daan-daang nakatagong sakit sa aking puso at isipan.
(Masyado na 'ata akong nalalayo sa paksa ko.)
Mahilig akong lumibot sa bawat sulok ng aming bahay. Sa katunayan, nahihilo na nga ang mga magulang at kapatid ko sa kaiikot ko. Dinadaan-daanan ko sila na para bang walang ibang tao sa bahay namin kundi ako lang.
Naiinis din si Mama kapag ginagawa ko 'yun. Para raw akong siraulong ikot ng ikot at lakad ng lakad na wala namang patutunguhan.
Subalit, lingid sa kanyang kaalaman, maraming lugar na akong napupuntahan sa ginagawa kong paglilibot. Umaabot ako sa Parthenon, Europe, Greece, at ilang probinsya sa Pilipinas nang hindi nila namamalayan.
Ang paggamit ng imahinasyon ang tanging gamot ko upang makatakas sa kalungkutan ng aking mundo. At bagama't nais ko sanang may makausap upang matulungan akong tumakas sa bilangguan ng hinagpis, wala akong makitang taong mapagkakatiwalaan nang itinatagong sakit ng aking puso.
Akala ng marami, masaya ang aking kabataan. Madalas akong tumawa. Ngunit, sa likod ng matitinis kong halakhak, ay isang pusong lumuluha at humihiling na sana, sa paglalakbay ko sa ibang sulok ng mundo, matatagpuan ko ang isang taong tulad kong nahihirapan at nagdurusa...
Sana, matagpuan ko ang isang kaluluwang handang iabot ang kanyang kamay upang ilayo ako sa mapanglaw at mapanlinlang na mundong ito.
Sana, hindi ko kinakailangang itago ang laman ng puso ko at magpanggap na matatag sa kabila ng katotohanang nais nang bumigay ng pagkatao ko.
Hindi ako malakas. Hindi rin ako matatag.
Lalo na kung ang pinag-uusapan ay walang iba kundi -- IKAW.
One lonely soul. Naaalala kong minsan, isang gabi, hindi ako makatulog at pinili ko na lamang magsulat upang maibsan ang kalungkutang nadarama ko. Sa isang sulok ng madilim kong kwarto, naglalakbay ang aking diwa sa isang malayong pook; isang lugar kung saan makatatagpo ako ng isang kaluluwang tulad kong nalulunod sa kalungkutan.
Gusto kong tumungo sa lugar na iyon upang kahit papaano'y mabawasan ang bilang ng mga taong tumatangis at nahihirapan ng tahimik. Bilang isang taong dumaraan sa ganoong uri ng sakit, alam kong hindi madaling dalhin ang isang bagay nang nag-iisa. Kailangan natin ng kasama.
My idiosyncrasy seemed to be the only way for me to escape this precarious and pretentious world.
Many people would reach out their hand to you and try to comfort you. Some would even profess their love for you or even promise an eternity with you.
But then, promises, often, are meant to be broken.
And not ALL people who tell you they LOVE YOU truly mean it.
I have met many people who promised to be with me to love me. I have met some who have said they value my friendship and time. But most of these people tend to stay by my side because they can benefit from me.
Kailan kaya ako makararating sa pinapangarap kong sulok ng mundong iyon? Kailan kaya ako makararating doon upang mahanap ka?
I hope, it doesn't have to take a lifetime to search for you.