Sa isang sulok ng mundo,
Kung saan ako maaaring magtago.
Sa mga alaala ng kahapon,
Sa mga luhang idudulot nito.
Sa walang hanggang katahimikan,
Sa kaluluwang nalulunod sa kalungkutan.
Sa katotohanang maaaring wala ng bukas,
Dahil ang naiwa'y kahapong walang bakas.
Nang marinig ko ang huling hakbang mo,
Patungo sa labas ng pinto.
Inisip kong mayroon pa bang babalikan?
Ni bakas ng anino mo'y 'di ka nag-iwan.
Wala akong masabi kundi tignan ka lang,
Habang nadudurog ang puso kong nakatanaw sa kawalan.
Pinilit kong sabihin sa' yo kahit sa sulat lang,
Ngunit walang natanggap na tugon o pagsinta.
Naiwan ang sakit ng pangungulila,
Sa sinisintang 'di na makakasama kahit kailan.
Alam kong wala kang balak tumugon sa ' king pagmamahal,
Kaya hayaan mo akong kalimutan ka at lumaban.
Paunti-unti,
Pasaglit-saglit.
Araw-araw,
Buwan-buwan.
Hanggang wala ng sakit.
Hanggang wala ng pait.
Hanggang wala ng alaalang,
Magpapaluha sa ' king mata...
UHAW SA PANAGINIP
1 month ago
0 comments:
Post a Comment